Pagbibitiw ni Alas tinanggap na ng Letran
MANILA, Philippines - Isang taong magpapahinga ang nagbitiw na si Letran coach Louie Alas upang bigyan ng respeto ang koponang pinagsilbihan ng 12 taon.
Pormal na tinanggap kahapon ni Letran rector Fr. Tamerlane Lana, O.P. ang liham ng pagbibitiw ni Alas na magiging epektibo sa Disyembre 31 na kung saan mapapaso rin ang kanyang pinirmahang kontrata.
“It’s a self-imposed one-year sabbatical. It will be disrespectful for Letran if I entertain offers from other college schools,” wika ni Alas.
Hindi na rin siya ang hahawak sa Knights sa paglalaro sa Philippine Collegiate Champions League at ipagkakatiwala ang koponan sa mga assistants na sina Kris Reyes at Justiniano Pinat.
Sa desisyon na magpahinga muna, tuluyan na ring isinara ni Alas ang mga haka-haka na siya ang papalit na headcoach sa Ateneo Blue Eagles sa UAAP.
Ang 49-anyos na si Alas na dating naglaro sa Adamson University at nanilbihan bilang coach sa MBA, PBL, PBA at national team ay napasok sa Letran noong 2000 at binigyan ng titulo noong 1998, 2003 at 2005.
Naipasok ni Alas ang Knights sa championship round sa 2012 NCAA season kahit nagtala lamang ng 4-5 karta sa first round.
Nahiritan ng Knights ng do-or-die game three ang San Beda pero minalas at naging malamig ang mga kamador para lasapin ang 67-39 kabiguan.
- Latest