^

PSN Palaro

Singyu tinatarget ni Francisco

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaasinta ng kampo ni Drian Francisco ang ba­gong WBO bantamweight champion na si Pungluang Sor Singyu ng Thailand para matupad ang pa­ngarap na makita ang na­sabing boksingero na ma­kahawak ng lehitimong world title.

Si Singyu ay nanalo kay AJ Banal para sa bakanteng titulo noong Oktubre 20 sa SM Mall of Asia sa Pasay City at sa plano na inilalatag ng Saved By The Bell Promotions, nais nilang ibalik ang Thai champion sa bansa para dito gawin ang laban nila ni Francisco.

“Si Drian ay 30 years old na at bago siya nag-bo­xing ay tinapos muna ni­ya ang college. Kaya gi­nagawa namin lahat ng pa­mamaraan para makita siya na maging isang world champion,” wika ni promo­ter Elmer Anuran nang bu­misita sa PSA Forum sa Shakey’s Malate kahapon.

Pero ang lahat ng plano ay nakadepende sa ipakiki­ta ni Francisco sa laban kon­tra kay Javier Gallo ng Me­xico sa Linggo sa Sports Are­na sa Los Angeles, Ca­lifornia, USA.

Ang bakbakan ay undercard sa unification fight ni­na Fil-Hawaian Brian Vi­loria at Hernan Marquez ng Mexico para sa WBO-WBA fly­weight titles.

Naunang napaulat na si WBA super bantamweight champion Guillermo Rigondeaux ang makakalaban ni Francisco pero hindi ito na­tuloy dahil sinasabing hin­di pumayag ang HBO na siyang magpapalabas ng fight card.

“Kung manalo siya laban kay Gallo, maraming mag­bubukas na oportunidad para kay Drian dahil ta­taas ang kanyang rating,” dagdag ni Anuran.

Si Francisco ay mayro­ong ring record na 23 pana­lo sa 25 laban kasama ang 18 KOs.

DRIAN

DRIAN FRANCISCO

ELMER ANURAN

FIL-HAWAIAN BRIAN VI

GUILLERMO RIGONDEAUX

HERNAN MARQUEZ

JAVIER GALLO

LOS ANGELES

MALL OF ASIA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with