MANILA, Philippines - Iniluklok ng Barako Bull si assistant Bong Ramos bilang kanilang bagong head coach kapalit ni Junel Baculi.
Kinumpirma kamakalawa ni Energy Cola team manager Raffy Casyao ang nasabing paghalili ni Ramos kay Baculi.
Kasalukuyang nasa isang three-game losing skid ang Barako Bull sa eliminasyon ng 2012-2013 PBA Philippine Cup.
Si Baculi ay nasa kalagitnaan ng kanyang nilagdaang two-year contract sa Energy Cola.
Inaasahan siyang kukunin ni team owner Mikee Romero para rendahan ang Globalport na ginagabayan ni Glenn Capacio.