5-dikit na panalo kinuha ng Grizzlies sa Heat

MEMPHIS, Tenn.--Tu­mu­tok ang Miami Heat sa pagdepensa sa inside scoring duo nina Zach Randolph at Marc Gasol ng Memphis Grizzlies.

Ngunit nakalimutan nilang subaybayan si reserve guard Wayne Elling­ton.

Nagsalpak si Ellington ng career best na pitong 3-pointers para sa kanyang 25 points at tulungan ang Grizzlies sa 104-86 paggiba sa Heat at angkinin ang kanilang pang limang sunod na panalo.

“I don’t think Ellington will be able to sneak in the back door anymore,’’ wika ni Miami center Chris Bosh.

Winakasan ng Grizzlies (5-1) ang four-game winning streak ng Heat.

Pinalawig pa ng Memphis ang kanilang team-record home winning streak sa 14 mula noong nakaraang season.

Nagdagdag si Rudy Gay ng 21 points at itinala ni Randolph ang kanyang pang anim na double-double sa kanyang 18 points at 12 rebounds para sa Mem­phis.

Si Mike Conley ay nag-ambag naman ng 18 points at 9 assists, habang humakot si Gasol ng 10 rebounds at 6 assists.

Umiskor si Bosh ng 22 points at may 20 si LeBron James para sa Miami.

 

 

Show comments