Pacquiao kumpiyansa sa bagong estratehiya

MANILA, Philippines - Ngayon pa lamang ay kumpiyansa na si Manny Pacquiao na magiging epek­tibo ang bago nilang estratehiya ni chief trainer Freddie Roach laban kay Juan Manuel Marquez sa Disyembre 9 (Manial time) sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

“Freddie and I know we cannot approach this fight the same way we have the last two times,” wika ni Pacquiao sa panayam ng World Boxing News.

“Not only will we have a different game plan but this time I will stick to it. Already I feel confident about the direction we are headed for this one,” dagdag pa ng Filipino world eight-division champion.

Maghaharap sina Pacquiao (54-4-2, 38 KOs) at Marquez (54-6-0, 39 KOs) sa isang non-title, welterweight fight.

Hindi naniniwala si Pacquiao na kaya siyang pabagsakin ni Marquez sa kanilang pang apat na paghaharap matapos siyang manalo via majo­rity decision sa kanilang ikatlong pagkikita noong Nobyembre ng 2011.

“Marquez has said the same thing - that he is going to try to knock me out but I don’t believe him. He’s going to fight me the same way he always has. I will be the aggressor in this fight. It’s critical,” ani Pacquiao.

Hindi na rin magiging problema ni Pacquiao ang cramps sa gabi ng kanilang paghaharap ni Marquez.

Ito ay base na rin sa obserbasyon ni Roach sa kanilang training camp ng Sarangani Congressman.

“We’ve never had cramp problems in the gym, just when the fights start,” sabi ni Roach sa pa­nayam ng ESPN.com.chat. 

 

 

Show comments