Laro Ngayon
(Arellano University Gym)
2 pm Informatics vs Erase Xfoliant
4 pm Café France
MANILA, Philippines - Pilit na sasakyan ng Café France ang suwerteng dumapo sa kanila sa unang laro sa pagharap sa Cagayan Valley Rising Suns sa pagpapatuloy ng PBA D-League Aspirants’ Cup ngayon sa Arellano Gym sa Legarda, Manila.
Natalo dapat ang Bakers sa kamay ng baguhang Fruitas, 82-88, pero binaligtad ni league commissioner Atty Chito Salud ang panalo nang mapatunayan na gumamit ng ilegal na manlalaro ang rookie team.
“The sudden turnaround gives us a boost,” wika ni Bakers coach Edgar Macaraya. “We need it so much against a strong team like Cagayan.”
Main game ang laro sa dakong alas-4 at ang Suns ay magsisikap na bumangon matapos ang unang pagkatalo sa kamay ng Erase Xfoliant, 78-91, sa huling laro.
Tinapos ng pagkatalong ito ang dalawang dikit na panalo na nailista ng sophomore team at naniniwala si coach Alvin Pua na magigising na ang kanyang bataan sa katotohanang kailangan nilang magtrabaho nang husto sa bawat laro kung nais nilang may marating sa torneo.
“Our game against Café France will be a good test of our character. Our mind set is to bounce back and play hard defense,” wika ni Pua.
Ikalawang sunod na panalo ang hanap ng Erasers sa laro laban sa rookie team na Informatics sa ganap na alas -2 ng hapon.
Tiyak na masusukat ang bataan ni coach Aric del Rosario lalo pa’t nagawang pahirapan ng collegiate team na Icons ang Suns bago tumupi sa endgame.