Pba D-League Aspirant’s CUP Suns iiwas mapingasan vs Erasers

MANILA, Philippines - Ikatlong sunod na panalo ang nakataya ngayon sa Cagayan Valley Ri­sing Suns sa pagharap sa Erase Xfoliant sa pagbabalik ng PBA D-League Aspirants’ Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Ikalawang dikit na ta­gum­pay naman ang a­asin­­tahin ng Big Chill sa pagharap sa magpapa­kitang-gilas na Blackwater Sports sa ikalawang laro na magsisimula matapos ang Suns-Erasers sa ganap na alas-2 ng hapon.

Ibang Suns ang nakikita sa liga ngayon dahil naka­dalawang dikit na panalo na ang tropa ni coach Alvin Pua upang tuluyang makalimutan na ang 0-9 karta sa nakalipas na conference.

Madali namang pina­pawi ni Pua ang magandang panimula, upang hindi pumasok sa isipan ng kanilang man­lalaro ang maagang ta­gum­pay.

“Marami pang dapat gawin sa team. Kailangan pa namin ng consistency, kulang pa sa maturity,” wika ni Pua.

Ngunit masaya siya sa ipinakikita ng mga hinugot na players tulad nina Chris Exciminiano, James Forres­ter, Adrian Celada, Mark Bringas at 6’7 Raymund Almazan na puno ng enerhiya kung maglaro.

Umaasa si Pua na hindi magbabago ang ganitong laro ng kanyang koponan lalo pa’t ang Erasers ay tiyak na all-out para maka­bangon matapos ang 71-101 pagkakadurog sa kamay ng 3-time defending champion NLEX  Road Warriors noong Oktubre 30.

Nais naman ng Super Chargers na dugtungan ang 77-76 panalo na nakuha sa JRU sa pagsukat sa pinalakas na Elite.

Hindi masaya si coach Robert Sison sa panalong nakuha kaya’t alam niyang masiglang laro ang ipakikita ng kanyang bataan laban sa tropa ni coach Leo Isaac na hinugot ang malalakas na manlalaro upang ma­ging palaban sa titulo.

Show comments