MANILA, Philippines - Aagaw ng pansin ang bansa sa pagiging punong abala sa 2012 Cable Wakeboard World Championships na magbubukas ngayon sa Deca Wakeboard Park sa Clark, Angeles, Pampanga.
Sa unang pagkakataon na magiging punong abala sa prestihiyosong torneo, binuksan ng bansa ang pinto para sa mahigit 300 riders mula sa 32 bansa sa pangunguna nina reig-ning world champions Nick Davies at Kristeen Mitchell ng Great Britain, kasama si Tokyo World Cup winner Angelica Shriber ng Austria at Frederic von Osten ng Germany, inaasahang magpapakita ng matikas na performance.
“We are looking forward to a successful event,” ani J.V. Borromeo, chairman ng Waterski and Wakeboard Association of the Philippines.
“By showcasing topnotch wakeboard action and giving local riders the chance to compete against the world’s best, we expect to sustain the steady growth of the sport in the country and help promote tourism as well,” dagdag pa niya.
Babanderahan naman nina Southeast Asian Games bronze medalists Samantha Bermudez, Mark Griffin at Carlo dela Torre, na nagsanay at lumahok rin sa kompetisyon sa Japan at Korea, ang kampanya ng Filipinos.
Naibulsa ni Bermudez ang bronze sa female wakeboard event sa Indonesia SEAG at gumawa rin siya ng magandang pagtatapos sa team category na kinabibilangan nina Griffin at dela Torre, ayon sa pagkakasunod.