Unang gold ng Pinas kay Legaspi sa ADCC

MANILA, Philippines - Ibinigay ng Pinoy na si Jerry Legaspi ng Team Kamphius-Fabricio ang unang gintong medalya ng bansa nang talunin si Jumal Lies Manso ng BJJ Broeno-Malaysia sa finals ng Male Beginner division Under 76.9kg sa pagsisimula ng Abu Dhabi Combat Club (ADCC) Asia-Pacific World Qualifying Trials (Brazilian Jiu-Jitsu) sa SM Mall of Asia, Music Hall, sa Pasay City kahapon.

Iginupo ng 35-anyos na Muay-Thai instructor mula sa Quezon City ang Malay fighter sa dikitang iskor 7-5.

Agad na dinomina ni Legaspi ang laban sa simu­la pa lang ng laro tungo sa pagsikwat ng titulo.

“It’s what I’ve always dreamed of winning the gold medal,”  wika ng reig­ning Pan Asian at World Jujitsu champion na si Legaspi, unang tinalo si Aristotle Sayas ng Team Deftac para umusad sa finals.

Ang tagumpay na ito ni Legaspi ay nabahiran ng kulimlim nang matalo ang ka-teammate na sina Ivy Alcala, Jonna Baquillac at Michael Mejia sa kani-kanilang mga katunggali.

Samantala, inangkin ni Ankuso Mafin ng Team Gracie ng Sydney, Australia ang gold sa Male Masters Beginner side.

 

 

Show comments