Sa World Junior Badminton C’ship: Alcala sibak na

MANILA, Philippines - Kinapos si Malvinne Ann Alcala sa kampanya sa World Juniors Badmin­ton Championships nang natalo kay ninth seed Aka­ne Yamaguchi ng Japan, 14-21, 15-21, sa  Last 16 na nilaro kahapon sa Chiba, Japan.

Ang pagkatalo ay nangyari matapos kalusin ng 16-anyos na si Alcala ang tatlong naunang nakalaban na kinatampukan ni 5th seed Line Kjaersfeldt ng Denmark.

Hindi pinayagan ni Alcala na makuha ng 88th ranked sa mundo na si Kjaersfeldt ang panalo nang talunin ito sa iskor na 21-19, 21-16

Bago ito ay nanalo muna si Alcala sa Swiss International Junior Championships, kina Thilini Hendahewa ng Sri Lanka sa walkover at kay Maetenee Phattanaphitoon ng Thailand sa mahigpitang 17-21, 21-11, 21-16, iskor sa second round.

Ang pagkatalo ay tumapos din sa laban ng mga lahok ng Philippine Badminton Association.

Lumaban din ang Pambansang koponan sa doubles at mixed doubles pero wala ring pinalad na umabante ng second round.

Show comments