Isip bumandera sa panalo: Boosters dapa sa Express

Laro Bukas

(Smart Araneta Coliseum)

3 p.m. Barako Bull vs Globalport

5:15 p.m. RoS vs Meralco

7:30 p.m. Ginebra vs San Mig Coffee

 

 

MANILA, Philippines - Isang koponang sumasakay sa isang two-game winning streak laban sa tropang nahulog sa isang four-game losing slump.

Sinong mag-aakalang makakapagposte ang Air21 ng isang 21-point win­ning margin laban sa paboritong Petron Blaze.

Mula sa nasabing bentahe ay hindi na nilingon pa ng Express ang Boosters para ilista ang malaking 97-76 panalo kagabi sa elimination round ng 2012-2013 PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.

“Our coaching staff scouted pretty well,” sabi ni coach Franz Pumaren.

May 2-5 baraha nga­yon ang Air21 katabla ang Barako Bull.

Nang makalapit ang Boosters, nauna nang tinalo ang Gin Kings at Batang Pier, sa 56-67 agwat sa hu­ling tatlong minuto sa third period, isang 12-2 atake ang ginawa ng Express sa likod nina John Wilson, Bitoy Omolon, Rob Reyes at 6-foot-8 rookie center Joseph Taha para ilista ang kanilang 21-point advantage, 79-58, sa huling 19.5 segundo nito.

Ikinasa ng Air21 ang isang 25-point lead, 85-60, kontra sa Petron sa 9:37 ng final canto.

Ang dalawang sunod na jumper nina Ren-Ren Ritualo, Jr. at Mark Isip ang nagbigay sa Express ng 93-69 kalamangan sa huling 3:06 ng laro para sel­yuhan ang kanilang panalo laban sa Boosters. (RC)

Air21 97 - Isip 22, Reyes 17, Custodio 12, Canaleta 12, Omolon 11, Baclao 9, Wilson 5, Taha 4, Arboleda 3, Ritualo 2, Atkins 0.

Petron 76 - Santos 15, Lutz 13, Cabagnot 11, Washington 9, Mallari 6, Yeo 6, Lassiter 5, Lanete 4, Pena 4, Miranda 3, Sison 0, Duncil 0.

Quarterscores: 34-23; 48-42; 79-58; 97-76.

Show comments