Derek ayaw munang mag-pelikula

Hanggang makaalis kami sa victory party para sa box-office success ng A Secret Affair, hindi pa dumarating si Derek Ramsay na nasa trade launch ng TV5 at ni-represent ang The Amazing Race Philippines na siya ang host. Hindi tuloy siya na-congratulate sa box-office success ng movie.

Hindi rin nakarating si Andi Eigenmann dahil may taping at si Anne Curtis, humabol mula sa taping ng Showtime. Masayang-masaya ang lahat na involved sa movie sa lakas nito sa takilya. Ang tsika nga, pati mga Inglesera ay pumipila para manood, nosebleed tuloy ang mga katabi dahil Inglesan sila nang Inglesan.

Sa interview namin kay Derek sa PLDT-Smart Foundation Gabay Guro event, nauna na niyang ipinaabot ang pasasalamat sa lahat nang nanood ng pelikula. Pero mukhang hindi agad masusundan ang A Secret Affair dahil nag-request sa manager niyang si Joji Dingcong kung puwede muna siyang magpahinga.

 Gusto rin muna ni Derek na mag-concentrate sa The Amazing Race Philip­pines kasi tapos na ang taping at nilinaw na hindi sila nag-reshoot. Hindi rin totoong may two episodes pa silang iti-tape dahil tapos na ang taping.

Samantala, natawa si Derek sa biro ng press na matutuwa ang viewers ng Kidlat dahil naka-costume siya rito at alam na kung ano ang ibig sabihin. Sina Eric Quizon at Mike Tuviera ang dalawang directors nito.

Ang gumawa raw ng costume niya ay ‘yung gumawa ng costume ng X Men na ‘di pa namin nagu-Google ang name. Pasensiya na!

WRITER NG A SECRET AFFAIR NA SI MEL DEL ROSARIO MAGBIBIGAY MUNA NG ORAS SA PAMILYA

Kasunod nang pagko-congratulate kina Mel del Rosario at Direk Nuel Naval sa malaking kinita ng A Secret Affair ay kung ano ang next project nila. Dismayado ang press sa “wala pang” sagot ni direk Nuel at “magre-rest muna ako” na sagot ni Mel.

Request daw ng mister niya na magkaroon sila ng time together kahit sa bahay lang na nakakapag-usap sila at hindi siya lagging nasa harap ng computer. Pero hindi papayag si Mr. Vic del Rosario na magpahinga sila ng matagal.

Ang alam namin, si Mel ang susulat ng script ng comeback movie ni Maricel Soriano sa Viva Films at sa January 2013 na ito sisimulan sa direction ni Wenn Deramas.                                                                                   

BAGETS NA SI BIANCA UMALI, DALAGA NA KUNG MAG-AYOS

Kasama sa cast ng Paroa, Ang Kuwento Ni Mariposa ang 12-year-old young star na si Bianca Umali sa role ni Leah na magiging kaibigan ni Mariposa (Barbie Forteza). Gusto ng press ang bagets dahil bukod sa marunong umarte, maganda at matangkad pa at malaki ang tsansang sumikat ‘pag naalagaan ng mabuti.

Type ng press na nakapag-interview kay Bianca na sumikat siya dahil self-supporting ito, pinag-aaral ang sarili’t ulila na sa mga magulang. Ang kanyang lola na lang ang nag-aalaga sa kanya.

Ang payo ng press kay Bianca, ‘wag magmadaling magdalaga dahil sa presscon, pang-dalaga at hindi pang-dose anyos ang kanyang ayos. Sabi ni direk Mark Reyes, kakausapin niya ang bagets para magbihis ayon sa kanyang edad.

VICTOR BASA NALIBOT NA LAHAT NG CHANNEL

Ang live-in partner na si Divine Lee ang mas natuwa nang malamang pasok si Victor Basa sa Cielo De Angelina , biniro nito si Victor Basa na hindi na maabot. Nakapag-network hopping na ang actor, nag-start siya sa ABS-CBN, lumipat sa TV5 at ngayon, nasa GMA 7.

 Ang bagong manager na si Arnold Vegafria ang tumulong para makapasok siya sa Kapuso Network at mapasama sa morning show. Nanibago, pero mabilis nakapag-adjust si Victor sa trabaho.

Parang plano ni Victor na magtagal sa Channel 7 dahil wish nitong masundan pa ang labas niya sa Cielo De Angelina  at wish niyang mapasama sa primetime soap.

Show comments