Billy pumayat ng 50 lbs. sa triathlon

Hindi man manalo sa mga sinasalihan nilang kumpetisyon sa triathlon ang mga artista, patuloy sila sa kanilang pagsasanay sa swimming, biking, and running, ang tatlong sport na bumubuo sa triathlon. Bukod sa nagiging malusog sila, they stay in shape.

Si Billy Crawford mahigit 50 lbs. na ang nawawala. Dahil lang ito sa triathlon. Fit na fit naman sina Matteo Guidicelli, Piolo Pascual, Erwan Heussaff, at pati na si Kim Atienza. Kaya kayo, sali na rin.

Bagsik ng hurricane napaghandaan ng mga ’Kano

Nakita ko ang bagsik ng hurricane Sandy sa TV at nagpapasalamat ako na hindi tayo inaabot ng ganung kalamidad. Kundi baka maraming buhay ang mabuwis. Gulat lang ako na napi-predict pala ang pagda­ting ng ganun kalakas na bagyo. Marami sa East Coast ang nakapaghahanda. At matitibay ang mga bahay nila huh!

But in fairness sa ating bansa, hindi man tayo maging kasing high tech ng US, kapag dumating sa atin ang inulto, sama-sama tayo at nagtutulungan.

Binoe binasbasan na si Aljur

Mukha namang seryoso si Aljur Abrenica sa kanyang panliligaw kay Kylie Padilla. Nagsabi na ito kay Robin Padilla at dahil lalaki rin nakita marahil ni Binoe ang pagiging seryoso ni Aljur kaya nagbigay na ng kanyang blessing.

Ngayong nasa kamay na nina Kylie at Aljur ang ikapagtatagumpay ng kanilang relasyon. Hindi na hadlang ang action star sa kanila.

 

Show comments