^

PSN Palaro

UE nag-sorry sa ‘di pagsipot sa Finals vs NU sa UniGames

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Humingi ng paumanhin ang University of the East sa nag-organisa ng 17th University Games matapos hindi siputin ang kanilang championship game ng National University sa Bacolod City.

Nagsumite sina UE exe­cutive director for marketing Dr. Jesus T. Tanchanco Sr. at Department of Physical Education director Rodrigo Roque ng isang written apology kay UniGames president Roger Banzuela.

Ipinaliwanag nila ang dahilan kung bakit hindi naglaro ang Red Warriros sa kanilang title match ng Bulldogs para sa Uni­Games crown.

Kakatawanin ng Red Warriors ang bansa sa Asian University Basketball Federation (AUBF) championship at nakatakdang bumiyahe sa Taiwan noong Linggo.

“We in the UE commu­nity and the Red War­riors team have long had a high regard for the Unigames, as witness UE’s participation in its various tournaments through the years. Yet we also did not anticipate the overlapping of schedules of the Unigames and the AUBF this weekend,” sabi ni Tanchanco.

Sinabi naman ni Banzuela na may katapat na kaparusahan ang ginawa ng UE.

“There will be sanction and I will recommend suspension of the school,” wika ni Banzuela sa Red Warriors.

“Of course we will be waiting for the letter of explanation from UE before we can make any recommendation, but definitely, there will be sanction,” dagdag pa nito.

Bago sana labanan ang NU para sa gold me­dal round ay tinalo muna ng UE ang Ateneo, ang kampeon sa nakaraang UniGames, sa iskor na 68-65, sa kanilang semifinal match na idinaos sa University of St. La Salle-Bacolod Gym.

Ang hindi pagsipot ng Red Warriors sa kanilang finals game ng Bulldogs ang nagbigay sa NU ng titulo.

ASIAN UNIVERSITY BASKETBALL FEDERATION

BACOLOD CITY

BANZUELA

DEPARTMENT OF PHYSICAL EDUCATION

DR. JESUS T

NATIONAL UNIVERSITY

RED WAR

RED WARRIORS

RED WARRIROS

RODRIGO ROQUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with