^

PSN Palaro

Laban ng Vietnam-Thailand mamatyagan ni Caslib para sa paghahanda ng Phl Azkals sa Suzuki Cup

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magkakaroon ng mas malalim na kaalaman ang Philippine Azkals sa laro ng Thailand at Vietnam dahil sa gagawing scouting ng dating national coach Aris Caslib.

Ipadadala si Caslib ng Philippine Football Federation sa gagawing international friendly matches ng Thailand at Vietnam laban sa Malaysia at ang makukuhang impormasyon sa kalidad ng dalawang bansang ito ay makakatulong para mas mapaghandaan ng Azkals ang mahigpit na karibal sa Suzuki Cup Group A elimination sa Bangkok, Thailand mula Nobyembre 24-30.

“We have many tapes of our opponents but we’re also sending Aris Caslib to scout Vietnam and Thailand in their games against Malaysia. These two games will give us good impressions of these team and Caslib will be able to do that (scout) in a professional manner,” wika ni Azkals coach Hans Michael Weiss.

Sa Nobyembre 3 sa Hanoi ang laro ng Vietnam at Malaysia habang sa Nobyembre 7 ang tagisan ng Thailand at Malaysia sa Chiang Mai, Thailand.

Ang dalawang bansang ito kasama ang Myanmar ang kalaban ng Azkals sa Bangkok na kung saan ang mangungunang dalawang koponan ang aabante sa semifinals kasama ang dalawang magdodomina sa Group B na kinabibilangan ng Malaysia, Indonesia, Singapore at Laos.

Ang laro sa Group B ay gagawin sa Ma­laysia mula Nobyembre 25 hanggang Disyembre 1.

May 35 pangalan na ang ipinadala ng PFF sa Asian Football Federation (AFF) upang siyang pagmulan ng 22 official players list na puwedeng gamitin sa torneo.

Isinasagawa na ng Azkals ang training camp sa Manila upang mapanatili ang fitness level at teamwork ng koponan at kahapon ay tinalo ang Stallion FC, 7-4, sa isang tune-up game.

Ang makukuhang scouting report ni Caslib ay pag-aaralan ng koponan sa susunod na 3-day camp mula Nobyembre 9.

Bago tumulak patungong Bangkok, susukatin muna ng Azkals ang husay ng Singapore sa isang international friendly game sa Cebu City sa Nobyembre 15.

ARIS CASLIB

ASIAN FOOTBALL FEDERATION

AZKALS

CASLIB

CEBU CITY

CHIANG MAI

GROUP B

HANS MICHAEL WEISS

NOBYEMBRE

PHILIPPINE AZKALS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with