OKLAHOMA CITY --Nagdesisyon ang Oklahoma City Thunder na ipamigay si James Harden, ang NBA Sixth Man of the Year, sa Houston Rockets.
Ito ay matapos mabigo ang Thunder na mabigyan ng contract extension si Harden.
Ang pag-trade kay Harden ang bumasag sa kanilang tatluhan nina Kevin Durant at Russell Westbrook para sa Thunder, ang NBA Western Conference champions.
Nahugot ng Thunder bilang kapalit ni Harden sina guards Kevin Martin at Jeremy Lamb, ang dalawang first-round picks at isang second-round pick.
Dinala din ng Oklahoma City sa Houston sina center Cole Aldrich at forwards Daequan Cook at Lazar Hayward.
Pinapirma na ng Thunder sa mahahabang kontrata sina Durant, Westbrook at Serge Ibaka.
Inisip ng Thunder na hihingi rin ng malaking kontrata si Harden kumpara sa kanilang magiging alok.