MANILA, Philippines - Pakakaawalan sa Linggo ang Run United Philippine Marathon (RUPM), ang pinakabuod ng Run marathon series na nakakuha ng sarili nilang mga mananakbo na humihiling na magkaroon ng 42.195-km race.
“The runners clamored for a marathon from us and we also believe that Run United enthusiasts are up to the challenge of finishing a marathon already, so it’s all systems go for Run United Philippine Marathon,” sabi ni Alex Panlilio, ang pinuno ng programa ng Unilab Active Health (ULAH).
Ang RUPM--Enervon Activ 42K at Alaxan FR 21K--ay magsisimula sa Bo-nifacio Global City at magtatapos sa SM Mall of Asia.
Dadaan ito sa mga kalsada ng Taguig, Makati at Pasay.
Nasa programa rin ng event na tinatampukan ng Run Rio bilang organizing partner ay ang Ceelin 500-meter Dash, Hydrite 3K, Dolfenal 5K at ang Enervon HP Recovery 10K.
Ang Unilab Active Health Village ay magiging bahagi rin ng RUPM experience na may apat na kategorya--ang Active Kids Zone, Health, Sports and Leisure, Runners’ Lounge at iConnect.
Nagsara na ang online registration, habang matatapos ang in-store registration ngayon sa Riovana Bonifacio Global City (28th Street corner 9th Avenue) sa Katipunan (Third Floor Regis Building) at sa Toby’s SM Mall of Asia (Ground Floor Entertainment Hall) at Trinoma.