^

PSN Palaro

Written apology kina Alas, Guevarra, utos ng NCAA Mancom

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinihingian  ng NCAA Management Committee (Mancom) ng written apology sina Letran coach Louie Alas at technical director Romy Guevarra para mapatawad sa aksyon na ginawa sa Game Two sa 88th NCAA men’s basketball Finals.

Kailangang ipadala ang written apology sa Mancom bago ang do-or-die Game Three sa Biyernes at ang hindi pagtalima ay magreresulta upang masuspindi sina Alas at Guevarra.

Naunang nagpulong ang Mancom na pinamunuan ni Dax Castellano ng La Salle Greenhills noong Lunes ng hapon at nakausap nila si Alas at pinagpaliwanag kung bakit ginawa ang ‘slit-throat’ bilang reaksyon sa tawag laban sa Knights sa ikatlong yugto.

“The ManCom after deliberation has decided to uphold the recommendation of Commissioner Lipa which is for coach Louie Alas to issue a public apology since his action tainted the integrity of the officials and the league,” wika ni Castellano.

Si Guevarra ay naparusahan dahil sa ‘dirty finger’ na ipinukol kay Alas habang papalabas ang opisyal ng court dahilan upang muntik siyang sugurin ng beteranong mentor.

Humingi na ng paumanhin kahapon si Alas sa mga  mamamahayag na nakapanayam sa kanya at ang aksyon ay bugso lamang ng damdamin bilang isang coach at hindi personal.

“Mga nirerespetong tao sina Commissioner Joe Lipa, Romy Guevarra at Bai (Arturo) Cristobal at hindi ko intensyon na manakit. I apologized for my action,” wika ni Alas.

Ang deciding game ay gagawin sa ganap na ika-1 ng hapon at ang mananalo sa pagitan ng Letran at San Beda ang siyang mag-uuwi rin ng ika-17th NCAA title.

ALAS

COMMISSIONER JOE LIPA

COMMISSIONER LIPA

DAX CASTELLANO

GAME THREE

GAME TWO

LA SALLE GREENHILLS

LOUIE ALAS

MANCOM

ROMY GUEVARRA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with