MANILA, Philippines - Nagtambal ang Smart Communications Inc. at ang Sports5 para sa pagkakaroon ng PBA on AKTV app, isang bagong application para sa Android mobile phones kung saan mabibigyan ang mga PBA fans ng extra access tungkol sa nangyayari sa liga, sa mga koponan at manlalaro.
Maaari nang makuha sa pamamagitan ng libreng download sa Google Play online store at sa susunod ay sa Apple app store, ang locally developed app ang magbibigay sa mga Filipino basketball fans sa buong mundo ng live scores, statistics, game alerts at iba pang bagay sa pamamagitan ng pagpindot sa buton.
“With 24/7 access to league information and the ability to share thoughts via social networking, this ‘second screen’ app redefines Philippine basketball for the mobile generation,” sabi kahapon ni Mitch Padua, ang Smart head for internet products.
Malugod namang tinanggap ni PBA Commissioner Chito Salud ang inobasyon na ipinakilala ng kanilang television partner.
“We’re very grateful to be promoted this way. As a product, the PBA needs accessibility. We welcomed this access enhancement,” sabi ni Salud.