^

PSN Opinyon

Fatty liver

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Ang fatty liver ay isang kondisyon kung saan nababalot ng taba ang atay. Kung may fatty liver, kadalasan ay mataas din ang kolesterol, blood sugar at uric acid. Sobra rin sa timbang at malaki ang tiyan.

Malalaman na may fatty liver ang pasyente sa pamamagitan ng Ultrasound ng atay o Ultrasound of the Whole Abdomen. Tumataas din ang liver enzymes o SGPT. May taong nakararamdam ng pananakit sa kanang bahagi ng tiyan. Ang iba naman ay walang sintomas.

Minsan ay lumalala ang fatty liver at umaabot sa pamamaga ng atay at liver cirrhosis. Kadalasan, wala itong sintomas pero sa ibang pasyente ay lumalaki ang atay, makirot sa kanang bahagi ng tiyan at madaling mapagod.

Ayon sa mga eksperto, maaaring may kaugnayan ang fatty liver sa pagiging mataba, mataas na asukal sa dugo o diabetes, mataas ang triglyceride at kolesterol. Ang iba pang risk factor ay Polycystic ovary syndrome (PCOS), hypothyroid at iba pang sakit.

Para maagapan ang fatty liver, sundin ang mga sumu­sunod na payo:

1. Itigil ang pag-inom ng alak. Kahit isang patak ng wine, beer or hard drinks ay huwag nang subukan pa. Ihinto rin ang paninigarilyo.

2. Magpapayat kung sobra sa timbang. Kapag nagbawas ng timbang, puwedeng mabawasan din ang taba sa atay.

3. Umiwas sa pagkain ng matataba at matatamis na pagkain. Limitahan ang pagkain ng cake, mantikilya, ice cream at karneng baboy at baka.

4.Umiwas o bawasan na rin ang pag-inom ng mata­tamis na inumin tulad ng soft drinks at iced tea.

5. Kumain ng masustansyang pagkain tulad ng maber­deng gulay at isda. Puwedeng kumain ng prutas pero huwag­ din sosobrahan ito dahil ito’y matamis din.

6. Gumalaw-galaw at mag-ehersisyo. Kapag nabawasan ang taba sa katawan, mababawasan din ang taba sa atay.

7. Kung may diabetes, gamutin ito. Kumonsulta sa doktor.

8. Kung mataas ang kolesterol sa dugo, ibaba ito sa pamamagitan ng diyeta at gamot.

9. Kumain ng yogurt. Ayon sa isang pagsasaliksik, may tulong ang good bacteria sa yogurt sa paggamot sa fatty liver. Hindi pa ito tiyak pero puwede ninyong subukan.

10. Huwag basta-bastang uminom ng kahit anong tableta, supplements o vitamins.

10.Kumain ng dalawang tasang gulay at dalawang tasang prutas araw-araw.

11.Puwedeng kumain ng mais, patatas, kamote, ube at kamoteng kahoy. Magbawas sa kaning puti.

12.Mabuti ang protina galing sa isda, mongo, karne, manok na walang taba, low fat milk, yogurt at soya milk.

13.Piliin ang healthy fats tulad ng mani, kasoy, garbanzos at olive oil. Umiwas sa butter o krema, mayonnaise at sebo.

14.Panatilihin ang tamang timbang at regular na mag-ehersisyo.

15.Tubig ang pinakamagandang inumin.

16.Huwag maniwala sa mga sabi-sabi. Itanong muna sa inyong doktor kung makasasama ito sa atay.

17.Diyeta, exercise at paggamot sa diabetes at mataas na kolesterol ang lunas sa fatty liver. Alagaan ang atay.

URIC ACID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->