Napakasustansiya ng nilagang kamote

NAPAKARAMING benepisyo na makukuha sa pagkain ng kamote. Mabuti ito para sa puso, mata, tiyan, dia­betes at nagpapapayat. Mura din ito at mabibili sa buong taon. Mas mabuti kung ilalaga ang kamote.

Narito ang mga benepisyo ng kamote sa katawan:

l May beta-carotene or provitamin A para sa mata, puso, pagbabara ng ugat at kakulangan ng daloy ng dugo sa mga ugat ng puso at ulo, at sa immunity.

l Nababagay ang kamote sa may diabetes dahil mababa sa glycemic index kaya dahan-dahan magpataas ng asukal sa dugo. Pwede rin sa mga atleta, may mabigat na trabaho o nagpapagaling na may sakit.

l Ang kamote ay bagay sa nagpapapayat dahil ma­baba sa calories, matagal na busog kaya hindi ka makakakain ng marami.

l Merong protease inhibitor na maaring makatulong sa pag-iwas ng kanser.

l Merong iron at vitamin C pinagsama na sa isang gulay.

l Sa may kidneys stones, may calcium oxalate ang ka­mote kaya ingat na huwag marami ang kainin.

l Maganda sa tiyan ang kamote dahil tumutulong sa pagbuhay ng healthy bacteria sa tiyan tulad ng Bifidobacterium at Lactobacillus na bagay sa makulo ang tiyan at pagtatae.

Show comments