^

PSN Opinyon

Micro-dramas: nauuso online

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Hindi lang kurot sa puso, kundi sapak sa panga ang mga pamagat ng bagong nauso online—micro-dramas.

Mayroong maralitang biglang yaman: “Amo Na-inlove kay Yaya” at “Nagpakasal para sa Green Card, Nanatili dahil sa Pag-ibig”.

Nakakakilabot: “Romantikong Mamamatay-Tao” at “Ibalik Mo ang Atay Ko”.

Hindi na kapanipaniwala: “Tig-Isang Segundong Putahe ni Master Chef” at “Bangay Nagising sa Ingay ng Pusoy Dos”.

Isa hanggang tatlong minuto lang kada episode ng micro-drama. Unang lumabas sa China nu’ng 2021. Pang-aliw sa mga trabahador na naka-upo sa tren o bus, walang oras sa mahaba at sobrang daming serye sa telebisyon.

Instant-hit sa Chinese ang micro-drama. Milyong pamagat ang lumabas nitong nakaraang taon. Sa singil na katumbas ng $10 kada-episode, kumita ang producers ng $5.3 bilyon. Tinatayang papalo ito sa $14 billon sa 2027.

Kaya pati sa Hollywood ay marami na ring gumagawa ng micro-dramas. Paspasan ang shooting, pagpapalit ng sets, pagbibihis at make-up ng mga artista. Target makagawa ng pang-isang linggo sa maghapon na ­videography.

Pang-smartphone ang micro-drama. Mapapanood ng nakatayo ang mobile. Walan panoramic shots, puro close up. Puro rin sigawan, iyakan, sampalan.

Bagay ang trend na ito ngayong kampanya ng Halalan 2025. Halimbawa ng mga pamagat na kakagat: “Iboto N’yo Akong Tao Imbis na ang Mag-Asawang Buwaya”, “Tumanggap ng Pera, Binoto ang Kalaban”, “I’ll Give my Love for Ayuda”, “Dynasty o Democracy?” “Artista Ko Laban sa Artista Mo”, “Suklayin Mo Ang Bigote Ko”.

DRAMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->