^

PSN Opinyon

Bagong henerasyon ng mga matagumpay?

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Bagong henerasyon ng mga matagumpay?

LUMAGANAP nu’ng dekada 1990-2000 ang bagong pilo­sopiya ng mga magulang. Dapat daw iwasan makaranas ng pagkabigo ang mga anak. Dapat daw puro tagumpay ang maranasan ng mga bata. ‘Yon daw ay para masanay sa puro tagumpay ang bagong henerasyon.

May mga alituntunin pa sa maraming aklat at artikulo. Kapag daw nag-alboroto ang bata sa paglalaro mag-isa, dapat daw iligpit o linisin na lang ng mga magulang ang nasira o nabasag. Kapag nagka-inisan ang mga batang nag­lalaro, dapat daw i-referee sila ng magulang imbis na pabayaan sila lutasin nang sarili ang di pagkakasunduan.

Sa mga paligsahan wala nang natatalo, lahat panalo. Lahat ng sumipot sa exam ay otomatikong pasado na. Lahat ng nag-tiyaga ng apat na taon sa high school ay makaka-graduate.

Nahirapan ang mga bata sa college entrance exams. Pero dinoktor ng mga magulang ang personal na sanaysay ng pagpapakilala ng bata, at ni-review sila ng husto sa Math at Science.

Nag-aalala si manunulat William Irvine sa ire-resulta ng ganu’ng pagpapalaki. Bakit pa binago ang libu-libong taon nang nakagawian ng iba’t ibang lipunan, aniya sa librong “The Stoic Challenge”.

Mula sinaunang panahon, sinasanay na ng magulang ang kabataan, hindi sa tagumpay kundi sa katatagan.

Bata pa lang ay sinasama na ang mga paslit sa mahi­hirap na gawain: pangangaso, pangingisda, pagbubukid, pag-ani, pagbayo, at ku’ng minsan ay pakikidigma.

Sinasanay silang magtiis at matalo. Ang mahalaga ay kung paano at mabilis na pagbangon kung mabuwal.

May ulat na sinasanay ng mga pulitiko ang kanilang mga anak na manlamang at magsuwapang. Paglaki ng mga batang ‘yan, sila ang magiging lider ng mundo. Aabusuhin nila ang mga kahenerasyon na hindi sinanay sa katatagan. Lalala ang mga diktador at mandarambong.

PHILOSOPHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with