^

PSN Opinyon

Astrology: Tala at tadhana ngayong 2025

KasamBuhay - Jing Castañeda - Philstar.com
Astrology: Tala at tadhana ngayong 2025
Ayon kay professional astrologer Luanne Manlapaz, ang “cosmic weather” daw ay parang weather forecast lamang — nagsisilbi itong gabay, ngunit nasa atin pa rin kung paano natin sasalubungin ang panahon.

Bilang isang journalist, isa sa mga pinaniniwalaan ko ay ang pagiging handa. Nakalatag na ang mga schedule, planado na ang mga lakad, kabisado na rin ang deadlines para maiwasan ang gulatan – lalo na kapag may breaking news na bigla na lang susulpot. Pero kahit gaano pa ka-detalyado ang pagpaplano natin, minsan padadalhan ka na lang ng mga di inaasahang pagsubok. Kaya hindi ba’t mas maganda kung meron ka nang ideya, o kahit kaunting pasilip man lang kung anong mangyayari sa kinabukasan? O kung ano ang ating magiging kapalaran? 

Isa sa mga madalas na takbuhan para sa gabay na ito ang feng shui na galing sa Tsina. Itinuturo nito kung paano tayo magiging mas masuwerte at kung papaano rin naman makakaiwas sa malas.  Puwedeng gumamit ng lucky colors at lucky charms, o kaya’y ayusin ang mga muwebles mo sa iba’t ibang bahagi ng bahay. 

Sa kabilang panig naman ng mundo, mayroon namang astrology, ang pag-aaral ng mga galaw at posisyon ng bawat celestial body at kung ano ang epekto nito sa mga nangyayari sa ating buhay at sa ating mundo.

Para tulungan tayong silipin ang ika nga eh nakasulat sa mga tala ngayong 2025, nakausap natin ang isang professional astrologer na si Luanne Manlapaz ng Filstrology.com. Binusisi natin ang mga cosmic shift na huhubog sa ating taon, at kung paano naman magagamit ng mga Pilipino ang energy ng Wood Snake para mas gumanda ang ating kapalaran.

Ayon kay Luanne, mas nagbibigay daw ng insight ang astrology base sa timelines at planetary cycles na nakatutulong gumabay kung kailan pinakamagandang gumawa ng desisyon. 

Kasama ang professional astrologer na si Luanne Manlapaz.

Sa kabilang banda naman, ang feng shui ay naghahatid ng positibong epekto sa pamamagitan ng pagsasa-ayos ng iyong kapaligiran para mas makapagdala ng suwerte at positive energy.

Sa kabila ng mga pagkakaiba, walang kontradiksyon sa dalawa. Habang binibigyang pansin ng astrology ang pangkabuuan ng mga bagay, mas tinututukan naman ng feng shui ang flow ng energy – inaalis ang mga sagabal o bad vibes, at mas pinaiigting ang mga nagpapalakas sa good vibes. Sa tulong ng dalawa, mas madali mong maipoposisyon ang iyong sarili at ang iyong mga desisyon ayon sa kung ano ang mas walang kumplikasyon at problemang haharapin.

2025: Taon ng radikal na pagbabago at kolaborasyon

Ayon kay Luanne, ang taong 2025 ay magdadala ng major shifts o pagbabago dahil sa paggalaw ng apat na pangunahing mga planeta.  Bawat isa’y may kaakibat na pagbabagong huhubog sa mga pangyayari sa ating mundo, mga industriya, at pansariling kapalaran.

Sa mga parating na buwan, panoorin ang mga dapat bantayan.

Mga importanteng Astrological Shifts ngayong 2025:

  • Neptune enters Aries (March 30 – October 2025)  Once-in-a-lifetime shift ito, kaya may bitbit itong radikal na mga pagbabago, lalo na sa tinatawag na “collective ideals.”
  • Saturn enters Aries (May 24 – September 1, 2025) Panahon na susubok sa ating resilience at tibay ng loob.
  • Jupiter enters Cancer (June 9 – October 22, 2025)   Mas gaganda ang takbo ng mga isyung pampamilya na magbibitbit ng swerte sa mga relasyon at samahan.
  • Uranus enters Gemini (July 7 – November 7, 2025)  Mas susulong ang AI, digital communications, at edukasyon – potential game-changer ang hatid ng mga ito sa mga industriya.

Ang planetary movements na ito ay naayon din sa feng shui energy ng Wood Snake na may hatid na talas ng pag-iisip at matitinik na strategies na madaling sumabay sa agos ng pagbabago. Kahit pa business-related, relationships, o career choices pa ‘yan, para magtagumpay ngayong taon, kailangang may kolaborasyon at abilidad sa mabilis na pagkilos at pagdedesisyon.

'Astrological retrogrades'

Maraming tao ang pamilyar na sa term na “Mercury retrograde,” pero may iba pang planetary retrogrades ang pwedeng makapag-impluwensya sa ating pagde-desisyon at emosyon. Ngayong 2025, ang mga sumusunod na retrograde ay maaaring may dalang impact sa inyong personal at financial choices.

  • Venus Retrograde (March 3 – April 13, 2025).  Hindi magandang magpakasal sa panahong ito o pumasok sa anumang uri ng partnership, kasama na rito ang pagpirma sa mga kontrata. Ayon din kay Luanne, iwasan ang basta-bastang paggasta dahil maaaring ang mga malakihang gastos sa panahong ito ay mapunta sa pagsisisi.
  • Mars Retrograde (until February 24, 2025). Panahon naman ito ng mga aksidente. Doble ingat dapat lalo na sa unang anim na buwan ng taon.
  • Jupiter in Cancer (June 9 – October 22, 2025). Mas matindi ang ating mga emosyon sa panahong ito at mas lumalalim ang mga relasyon. Mas iigting pa sa panahong ito ang family ties at mas uunlad ang service-related businesses. 

Bilin ni Luanne, dapat antabayanan natin ang cosmic shifts kapag gumagawa tayo ng mga malalaking desisyon sa buhay.  Tulad ng feng shui na umiiwas sa malas, ang astrology ay nagbibigay ng warning pagdating sa mga maaaring makaapekto sa iyong kapalaran. Isa sa mga pinaka-mensahe ng 2025 mula sa lente ng astrology ay ito:  maging bukas sa pagbabago.

Kapag sumalungat ka sa pagbabago, kahit sa personal mong buhay, career, or relationship pa ‘yan, mas magiging mahirap lang dahil hahantong ito sa friction at problema.   Kung mas madali kang makakasabay at makaka-adjust sa mga pagbabago, mas magiging magaan at maaliwalas ang iyong buhay.

Ang kapalarang bitbit ng zodiac signs

Habang may mga sign na haharap sa kakaibang mga hamon ngayong taon, mayroon din namang mga sinesuwerte.

  • Gemini – Kasaganahan sa resources at koneksyon.  Magplano at umaksyon habang maaga!
  • Cancer – Ang iyong mga nais mangyari ay magkaka-totoo.  Emotional fulfillment at big rewards ang nag-aabang sa’yo.
  • Aries – Magiging mabagal at puno ng restrictions. Kailangang magpursige dahil para kang nagmamanehong naka-handbrake.
  • Pisces – Maraming limitasyon at hadlang, kaya kailangan mong magplano nang maigi.
  • Virgo –  May posibilidad ng mabagal na pasok ng pera sa unang bahagi ng 2025, pero makakabawi naman bago matapos ang taon.
  • Taurus – Maraming emotional reflections para sa Taurus na siyang magpapatibay ng pamilya.
  • Leo – Maraming papasok na magagandang mga oportunidad sa mga Leo ngayong taon.  
  • Libra – Sa kalagitnaan ng taon, medyo darating ang mga balakid sa mga relasyon. Kung may partner ka, posibleng maging distant sila or mawalan ng oras para sa inyo.
  • Scorpio – Medyo maganda ang energy ng mga Scorpio.  May dalang asenso ang unang bahagi ng taon at pagbiyahe naman sa ibang bansa sa huling bahagi. 
  • Capricorn – Nag-aabang sa iyo ang mga oportunidad at tagumpay na hindi mo inaasahan.
  • Sagittarius – Galingan mo ngayong taon dahil fresh adventure ang dala sa iyo ng 2025. 
  • Aquarius – Ilabas mo ang mga bago mong ideya at magkaroon ng tapang na subukan ang mga bagong bagay dahil dadalhin ka ng mga ito sa tugatog ng tagumpay.

Astrology Tips para sa 2025

  • Tanggapin ang pagbabago – Mapa-business, relationships, at personal growth man, mas mahirap kung lalabanan mo ang mga pagbabago.  Maging mabilis sa pagbabago ng diskarte.
  • Kolaborasyon ang unahin –  Magiging mas mainam at mas maswerte ang 2025 kung makikipagtulungan sa kapwa.
  • Magplano batay sa cosmic energies – Bantayan ang retrogrades at planetary alignments bago gumawa ng malaking desisyon.  
Sabi ni Luanne, “Astrology won’t stop you from having a picnic, but it’s always better to plan one when the skies are clear.”

Kahit na nagbibigay ng gabay ang astrology at feng shui, hindi sila nariyan para diktahan ang buhay mo. Sa huli, ang ating mga sariling desisyon, gawain, at sipag at tiyaga ang siyang magdadala sa atin sa kaunlaran.  Makapagbubukas man ng mga pinto ng oportunidad ang suwerte, ikaw pa rin ang siyang lalakad papasok sa mga ito.

-----

Sundan ang aking social media accounts @JingCastaneda: Instagram, Facebook, YouTube, Tiktok at Twitter.  Ibahagi ang inyong mga tanong at suhestiyon sa [email protected].

ASTROLOGY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with