^

PSN Opinyon

Tindahan na ‘super mario’, nanalo sa korte matapos idemanda ng Nintendo!

MGA KUWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon

Isang maliit na supermarket sa San Ramón sa Costa Rica ang nagtagumpay laban sa Japanese video game company na Nintendo matapos manalo sa isang trademark dispute.

Ang tindahan ay pagmamay-ari ni José Mario Alfaro González, na inirehistro ang pangalang “Super Mario” noong 2013.

Gayunman, nang subukan niyang i-renew ang trademark noong 2024, napansin ito ng Nintendo at agad naghain ng reklamo upang pigilan ang pagpaparehistro ng pangalan.

Nilabas ng Nintendo ang video game na Super Mario noong 1985 na ginawa ng game designer na si Shigeru Miyamoto. Ang una nitong game na Super Mario Bros., ay inilabas noong Setyembre 13, 1985 para sa Nintendo Entertainment System (NES) o mas kilala bilang “Family Computer”.

Ayon sa abogadong kumatawan kay González, iginiit ng Nintendo na lumalampas sa kategoryang “basic needs” ang ibinebenta ng tindahan, at ginamit nito ang imahe ng video game character nila na si Mario sa promotional materials.

Gayunman, napabulaa­nan ito sa korte, kung saan napatunayang hindi sakop ng trademark ng Nintendo ang mga negosyo tulad ng grocery at supermarket.

Bukod sa Mario ang pangalan ng business owner, ang salitang “Super” ay madalas gamitin sa Costa Rica bilang tawag sa mga supermarket, at hindi ito nangangahulugang direktang kaugnay ng sikat na karakter ng Nintendo.

Noong Nobyembre 2024, ibinasura ng Registro Nacional ng Costa Rica ang reklamo ng Nintendo at pinayagan si González na ipagpatuloy ang paggamit ng pangalan.

Sa kabila ng posibilidad na umapela ang Nintendo, wala pang indikasyon na gagawin ito ng kompanya.

Maraming netizens ang ikinumpara ang kasong ito sa kuwento nina David and Goliath, kung saan nanaig ang isang maliit na negosyante laban sa isang multi-billion dollar company.

Kilala ang Nintendo sa mahigpit nitong pagprotekta sa mga trademark at patent nito.

Sa kabila ng lahat, nananatiling masaya si González na maipagpapatuloy niya ang pagpapa­takbo ng kanyang supermarket gaya ng dati—dala ang pangalang Super Mario na pinaglalaban niya nang higit isang dekada.

COSTA RICA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->