^

PSN Opinyon

Bongbong binalaan na ang China

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

Nagulat ako sa narinig kong pahayag ni Presidente Marcos Jr. na nagpapakita ng tapang laban sa walang habas na harass­ment ng China sa Pilipinas. Reaksyon ito ng Pangulo sa de­mand ng China na alisin ang mga missile system na ikinasa ng US sa Pilipinas.

Sa isang interview, tahasang binalaan ni Bongbong ang China laban sa ginagawang pananakot nito sa ating bansa. Ganito humigit kumulang ang pahayag ng Pangulo sa isang tinig na punumpuno ng galit:

“Stop claiming our territory, stop harassing our fishermen, stop ramming our boats, stop water cannoning our people, stop firing missiles, stop your aggressive and coercive behaviors.” Sinabi ng Pangulo na kung mahihinto ang mga kabuktutang pinaggagagawa ng China, puwedeng ikonsi­dera niya ang pag-aalis sa missile systems.

Sinabi niya na ang mga act of harassment ng China ay ibabalik ng Pilipinas dito kung hindi titigil. Ano sa palagay n’yo, kaya bang labanan ng “butiking” Pilipinas ang “dragon” na tulad ng China?  Magagawa lang iyan kung mananatili ang missile system ng US na tulong ng nasabing bansa  sa pagdepensa sa Pilipinas.

Dati, puro diplomatic protest lang tayo na sandamakmak na at di mabilang. Bakit biglang tumapang ang timbre ni Marcos, Jr.?

Sasabihin marahil ninyo, naubusan na ng pasensya. Para lang kasing nag-aaksaya lamang tayo ng tinta at papel sa mga ipinadadalang protestang diplomatiko sa mga Tsekwa.

Pero kahit naubusan ng pasensya ang isang leader, tingin ko hindi ito basta-basta magpapahayag ng ganyan kaba­lasik na pahayag sa isang dambuhala na sa ilang saglit lang ay puwede tayong pulbusin.

Siguro, siguro lang, nagkausap na sila ng bagong Presi­dente ng US na si Donald Trump at binigyan na ito ng assu­rance na puspusang makikibaka ang Amerika kasama ang Pilipinas sa pakikipaglaban sa China. Sapantaha ko lang naman iyan.

Ngunit bilang ordinaryong tao, nangangamba rin ako sa kahahantungan ng ganitong situation at umaasa’t dumadalangin na ang usaping ito ay malutas pa rin sa mapayapang negosasyon.

PRESIDENTE MARCOS JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with