Fake news galore!

Election period na naman, expect ang pagdagsa ng mga pekeng balita na paninira ng mga kandidato sa kapwa kandidato lalo na sa social Media. Kahit nu’ng wala pang social media ay gawain na iyan ng mga hunghang na kan­didato.

Natatandaan ko noong ako ay bago pa lamang editor in chief ng pahayagang ito at wala pang social media, may isang kan­didato sa pagka-mayor na naglathala ng pekeng isyu ng Pili­pino­ Star NGAYON na ang banner headline ay ang pag-atras sa kandidatura ng kanyang kalaban.

Nagalit ang kandidato sa pahayagan pero nahimasmasan nang mapatunayang gawa-gawa lamang ng kanyang kalaban ang fake news.

Ngayon, asahang higit na laganap ang pagkalat ng pekeng balita sa pamamagitan ng Facebook, TikTok at iba pang social­ media. Mas mura iyan para maghasi ng bulok na pro­pa­ganda.

Kaya naman nagsanib-puwersa ang Commission on Elections (Comelec) at ang social media platform na TikTok upang pigilin ang paglathala ng mga paninirang impor­mas­yon ngayong election season.

Marahil, hindi na basta-basta papayagan ng TikTok na ma­lat­­hala sa platapormang ito ang mga balita o impor­mas­yong kahina-hinalang may masamang layunin. “Magan­­dang deve­lopment ang kasunduang ito” ayon kay Comelec Chairman George Garcia.

Sa kasunduan, beberepikahin ng TikTok ang lahat ng impor­masyong ipinapasok ng mga subscribers, ani Garcia­. Hindi rin umano tatanggap ng political advertisement ang TikTok.

Ang anumang mga tangkang posts sa TikTok na luma­labag sa election laws ay dapat ireport sa Comelec at ang poll body ang dapat magtakda kung ano ang parusang ipa­pataw sa mga violators.

Kailangang i-brief ang mga kandidato pati ang mga pr handlers nila para siguruhing walang magaganap na vio­lations.

Ang problema, wala raw batas na nagre-regulate sa social media sa pagpapasok ng mga political ads.

Ang tanong, bakit hindi agad pinag-isipan ito para naka­buo ng mga batas na dapat sundin?

Show comments