Pulis na rapist, nasa custody ng Calabarzon police!

Nasa restrictive custody na ng Calabarzon police ang pulis na inakusahang nang-rape ng teller ng sabungan sa Batangas.

Kaagad iniutos ni PRO4-A director Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas ang pag-reassign kay SMS Timothy Joseph “Teejay” Virtucio sa Regional Headquarters ORHSU noong Enero 10, isang araw matapos siyang sampahan ng rape case sa San Jose police station.

Kapag naka-restrictive custody ang isang pulis mga kosa, hindi ito puwedeng lumabas ng kampo hanggang matapos ang pagdinig ng kanyang kaso.

Kahit naka-restrictive custody na, tuloy naman sa vlogging activities itong si Virtucio, na naging bantog sa social media dahil tuwing magtatapos na siya, ang huling salita ay “Sayang ang Tattoo.” Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Gamit ang sworn affidavit ng asawa at ama ng biktima, gumagana na ang administrative case ni Virtucio sa ilalim ng pangangasiwa ng Internal Affairs Service. Lagot ka Teejay.

Mapapabilang kaya si Virtucio sa mga talipandas na pulis na pinarusahan ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil? Anong sey n’yo mga kosa?

Subalit inamin ni Lucas na medyo ma-delay ang criminal case laban sa police blogger dahil nais nilang isama ang statement ng biktima para magiging malakas ang kaso nila. Araguyyyyy!

“Nangangamba kami na baka ma-dismiss lang ang kaso kapag ang statement ng asawa ang gagamitin namin sa criminal case. Kaya aantayin namin ang salaysay ng bik­tima para swak ang suspect sa kulungan,” ani Lucas.

Ang magandang balita, ani Lucas, ay nakakarekober na ang biktima sa kanyang karamdaman sa isang ospital. ‘Wag sana masilaw sa pitsa ang pamilya ng biktima para deretso sa kulungan si Virtucio, di ba mga kosa? Ang sakit sa bangs nito.

Sinabi ng mga kosa ko na si Virtucio ang namamahala sa isang sabungan na tinawag na Mr. Nice Guy cockpit na matatagpuan sa Mataas na Kahoy sa Lipa, Batangas.

Mula nang hawakan ito ni Virtucio, dinarayo na ito ng mga sabungero kaya naging bantog ang sabungan na tinawag ding “Batangas Finest.” Get’s n’yo mga kosa?

Ang biktima, ayon sa mga kosa ko ay admin officer ng sabungan kaya’t palagi ito sa opisina ni Virtucio. Ano ba ‘yan?

Hindi naman kaila sa mga kosa ko na vlogger din itong si Virtucio at siyempre, panay topic niya ang “Batangas Finest” para makahatak ng kliyenteng sabungero, karamihan mga pulis din.

Dapat sigurong bisitahin ni Batangas PD Col. Jack Malinao ang sabungan ni Virtucio, di ba mga kosa? Eh di wow!

Mukhang kumita nang malaki ang sabungan ni Virtucio nitong Kapaskuhan kaya nagkaroon ng munting salu-salo. Ayon sa kumakalat na Marites, nasobrahan ng sex drugs ang biktima kaya hindi niya namalayan na dinala siya ng pulis sa “kennel” farm nito sa Bgy. Banay-Banay, Lipa City kung saan nangyari ang krimen.

Dahil hindi maganda ang pakiramdam, dinala ng asawa ang biktima sa iba’t ibang ospital sa Batangas noong December 26 at nakausap nito ang isang psychiatrist kung saan inilahad niya ang ksinapit kay Virtucio. Araguyyyyy!

Kasama ang asawa at abogado na si Atty. Cabral, nagsampa ng reklamo sa pulisya ang biktima. Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Masalimuot at magastos ang kasong ito!

Abangan!

Show comments