^

PSN Opinyon

Comelec, sinopla ang PNP sa ‘Oplan Katok’

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

TAMA lamang na tutulan ni Commission on Election chairman George Erwin Garcia ang balak ng Philippine National Police (PNP) na ‘Oplan Katok’ sa mga nagmamay-ari ng ‘di-lisensiyadong baril. Sa pamamaraan kasing ito madaling­ matutumbok ng mga pulis ang mga baril na walang lisensiya.

Tinutulan ng Comelec ang balak dahil maaring perso­nalin ng mga pulis ang pagsuyod ng mga baril lalo na sa mga kalaban ng pulitiko na kasangga ng pulis. Magdurusa nang walang kalaban-laban ang mga kalaban ng pulitiko kapag tinaniman ito ng mga baril ng mga pulis.

May katwiran si Garcia dahil sa totoo lang hindi basta-bastang mailalabas ng mga tahanan ang mga baril kung wala itong permiso mula sa kanilang ahensiya.

Ang may karapatan lamang na magdala ng baril sa labas ng mga tahanan ay mga pulis at sundalo na naka-duty at may exemption permit mula sa Comelec. Kaya hindi na ka­ilangan ang ‘Oplan Katok’ gaya ng balak ng PNP.

Ang dapat gawin ng PNP ay paigtingin ang sinasagawang check point nito sa lahat ng kalsada sa buong bansa upang malambat ang mga nagdadala ng baril na walang permiso mula sa Comelec.

Sa totoo lang maraming baril ang mga pulitiko sa kani­lang armory. Marami ring goons ang mga dayukdok na puli­tiko na gagamitin para maghasik ng gulo sa darating na May 2025 elections. Buburahin ng goons ang mga kalaban sa pulitika para sila na ang maghari.

May mga listahan na rin umano ang PNP na mga hot spot na lugar at may mga pulis nang ipakakalat para magbigay ng seguridad sa May elections.

Samantala, itinuloy na ng Comelec ang pag-imprenta ng mga balota kahapon. Matatandaan na ipinatigil ng Supreme­ Court ang pag-imprenta ng balota at inutusan ang Comelec na isama ang pangalan ng limang kandidatong inalis sa unang dineklarang nuisance candidate. Ang pag­kakatigil sa imprenta ng mga balota ay naging dahilan para masayang ang P150 milyon.

Ang laking pera nito. Sana nagamit ito para sa mga mahi­hirap na kababayan. Hindi na sana maulit ang nangyari.

Ang hindi maganda, makaraang sabihin ng SC na isama ang pangalan ng lima, mayroong nag-withdraw. Atras na raw sa pagtakbo.

Linawin sanang maigi ng Comelec sa SC ang lahat para hindi masayang ang pera sa pag-imprenta ng mga balota. Naghihikahos pa naman ang bayan at maraming nagugutom!

COMELEC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with