^

PSN Opinyon

Communist China lulong sa krimen sa Pilipinas

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Unang sala ang pagsuhol ng mga Chinese sa municipal registrars para sa pekeng birth certificates.

Mula ru’n illegal na sila nakakabili ng lupa, nagpapalisensya ng baril, nagrerehistro ng korporasyon sa SEC. Si Guo Hua Ping alyas Alice Guo ay naging mayor pa ng Bamban, Tarlac.

Ulat ‘yan ni National Intelligence Coordinating Agency deputy Ashley Acedillo.

Taglay ang mga pekeng papeles, nagtayo nga nang POGOs ang mga Chinese. Ginamit ito sa cyber-scamming, human trafficking, narco-trading, at money laundering.

Ulat naman ‘yan ni Sen. Risa Hontiveros.

Pinakilos lahat ‘yon ng China Communist Party. Krimen, droga, sugal, pananakit, at pagpatay ay mga taktika ng CCP sa panggagantso at panggugulo sa ibang basa.

Ulat naman ‘yan ni retired admiral Rommel Jude Ong.

Maraming paraan ang panggagantso at panggugulo, ani Ong:

• Muntik nang gawing “smart city” ng China ang Fuga Island sa Cagayan. Nilisensiyahan na ito ng Cagayan Economic Zone Authority sa ilalim ni President Rody Duterte. Kaya lang, umangal si Juan Ponce Enrile, prominenteng Cagayanon. Kumontra rin ang Philippine Navy. Umatras si Duterte sa plano.

• Dumagsa sa Cagayan ang 640 “estudyanteng” Chinese, karamihan edad 30 at mukhang sundalo. Hindi marunong mag-Ingles, umuupa lang ng mga Pilipino para mag sit-in sa klase. Mga espiya sila ng China para sa giyera sa Taiwan.

• Nagtatatag ang mga Chinese ng minahan sa Zambales, Eastern Samar, Camarines, Agusan at Tawi-tawi. Dahil nasa estratehikong matataas na lugar, maaring gamitin ng China na panggulo sa giyera.

Dapat may batas kontra panggagantso at panggugulo ng dayuhan.

Consulate General of the People’s Republic of China in Davao
Facebook photo

 

CHINESE

SEC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with