Teller ng sabungan sa Batangas, ni-rape ng pulis!
NAKARATAY sa karamdaman ang isang magandang ginang sa ospital sa Batangas matapos ma-rape ng isang matulis na pulis. Tsk tsk tsk! Pulis na naman?
Ayaw ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil ng ganyan! Umaangat ang imahe ng PNP dahil sa mga programa at accomplishments ni Marbil subalit sinisiguro ko na babalentong na naman ito dahil sa kasong rape. Tiyak ‘yun!
Kaya tinatawagan ng pamilya ng biktima si Marbil para tulungan sila na magkaroon ng hustisya. Ang suspect, na tatawagin ko sa alyas na Boy Tatu, ay dapat mabulok sa likod ng rehas na bakal.
Ayon sa mga kosa ko sikat si Boy Tatu sa social media kaya lang uubra kaya ang kasikatan niya kay Marbil? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Ang biktima mga kosa ay isang teller sa sabungan sa Batangas kung saan si Boy Tatu ay palaging bida. Teka ka, hindi ba bawal ang mga pulis sa sabungan, Gen. Marbil Sir.
Sa salaysay ng asawa ng biktima, palipat-lipat niyang dinala sa mga ospital ang kanyang asawa dahil palaging balisa ito at nag-iisip nang malalim. Napag-alaman na nahawa pa ito ng sakit na kumalat hanggang sa kanyang utak. Tsk tsk tsk! Malaking gastusin ito sa pamilya, di ba mga kosa?
Tahimik lang ang biktima sa sinapit niya hanggang sa dinala ito ng asawa sa isang ospital noong Disyembre 26 kung saan ipinakausap ito sa isang psychiatrist at nagkumpisal. Eh di wow!
Sa salaysay ng asawa, pinainom siya ng juice na hinaluan ng suspect ng sex drugs at nawalan ng malay. Namalayan na lang niya na nasa isang farm siya sa Lipa City na pag-aari ni Boy Tatu. Doon na nangyari ang panghahalay sa kanya ng pulis na matulis. Araguyyy!
Kaya lang, hindi nagtapos doon ang delubyo ng magandang ginang. May isa pang insidente ng rape sa kanya na nangyari sa boundary ng San Jose at Cuenca, Batangas. At pinangalanan n’ya ang suspect na si alyas Alex. Sanamagan! Ano ba ‘yan? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Dahil tamang duda ang asawa, out of curiosity, binuklat niya ang messenger account ng biktima at bumungad sa kanya ang mga malisyosong text messages ni Boy Tatu.
Sa sobrang dami ng detalyeng ito na nahukay ng asawa ng biktima, tiyak hindi na mahihirapan si PD Col. Jack Malinao na malutas ang kaso. Dapat mapa-custody kaagad ni Malinao si Boy Tatu para hindi nito ma-harass ang pamilya ng biktima.
Kung sabagay, kilala naman ng mga imbestigador ang tunay na pagkatao ni Boy Tatu kaya madali lang na madampot siya, di ba mga kosa? Dipugaaa!
Kapag nasa-police custody na sina Boy Tatu at Alex, mareresolba ng mga doctor ng PNP kung sina sa kanila ang nakahawa ng malalang sakit sa biktima. Ano ba ‘yan? Ang sakit sa bangs nito.
Mahina ang dismissal from the service ang haharapin ni Boy Tatu pag nagkataon, di ba Gen. Marbil Sir? Sa mga kosa kong PNP personnel naman, ‘wag tularan si Boy Tatu, na ang buong akala ay wala nang katapusan ang kanyang buwenas dahil sa kasikatan niya. Dipugaaa!
Abangan!
- Latest