‘Riding in tandem’, nananalasa sa Mindanao!

Dapat maging mapanuri ang mga kontratista ng govern­­ment projects para hindi sila mabiktima ng scammers na binansagang “riding in tandem.” Ang modus ng mga scammers na ito ay magpanggap na konektado sa Pa­lasyo­, at kapag minalas ka goodbye na lang sa milyones mo.

Ang raket ay bagong pasabog versus administrasyon matapos masibak o mag-resign si Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co, sa Komite niya sa Kongreso.

Maugong na hindi natuwa si BBM sa mga sumbong ng mga contractors sa Pinas tungkol sa kanilang sinapit para makakuha ng government funded projects. Sobrang pakapalan na raw kasi ang hinihingi. Araguyyy! Ang sakit sa bangs nito!

Ang panalangin ng mga kosa ko ay isusunod nang siba­kin ang feeling malakas na ‘riding in tandem’ na kilala sa alyas na Magno at Seenah na kung magbenta ng proyekto ay parang kulang na lang sabihin ghost project ito. Bakit?

Kasi nga 40 porsyento na advance ang hinihingi nila para raw sa bossing nila kapalit sa contractor ng project. Eh di wow!

Sobrang kapal ng mukha ng dalawa, ayon sa mga kosa ko. Tsk tsk tsk! T’yak magiging inferior na ang proyekto ng gobyerno kapag halos kalahati ng pondo ay mapupunta sa corruption, di ba mga kosa? Ano pa nga ba?

Ang masama n’yan, ang opisinang binabanggit ng da­lawa sa pakikipag-usap sa mga contractors ay ang kay SAP Anton Lagdameo.

Nakupo isinabit n’yo pa si SAP Lagdameo ha. Lagot kayo t’yak! Dapat din sigurong kumilos si Lagdameo para linisin ang kanyang bumahong pangalan sa Mindanao. Ano pa nga ba?

Sa 40 percent na advance sa mga infra projects nagmukhang mga “ghost” projects na ang mga ito, di ba mga kosa? Kawawa rin si SAP Lagdameo. Basang-basa ang papel sa corruption ng mga tao na kung tutuusin ay wala siyang kinalaman. Napuno ang bulsa nina Magno at Seenah at naiwang nakanganga si Lagdameo! Araguyyyy! Ang sakit sa bangs nito!

Ang maganda lang n’yan, ayon sa mga kosa ko, zero sa project listing ang “riding in tandem” sa mga proyekto sa Bicol dahil bistado na ang modus nila. Kaya lang, namonitor sila na nang-aagaw ng mga existing projects sa DPWH Mindanao at ang kinakausap ay ang mga local politicians.

Para masabi na may basbas ni Lagdameo ang initiative nila, kunyari ay kakausapin nila ito sa celfone. Eh di wow! Hehehe! Simpleng raket lang mga kosa no, p’ro rock! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Kawawa talaga din si SAP Anton, binulsa lang ng ibang tao ang pitsa subalit ang pangalan niya ang nasisira? Gets n’yo mga kosa?

Ang hiling naman ng mga kosa ko sa Palasyo, baka puwedeng maisama sa Quadcom hearing itong raket ng “riding in tandem”. Mismooo!

Puwede ring ipa-lifestyle check din sina Magno at Seenah para mabawi ang kinita nila sa raket at deretso kulong pa.

Abangan!

Show comments