^

PSN Opinyon

Paano iiwas sa pulmonya

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Bacteria, virus at fungus ang pinagmumulan ng pulmonya. Nagkakaroon ng impeksiyon ang baga. Malaki ang panga­nib kung ang pasyente ay edad 65 pataas at mahina ang immune system.

Ang iba pang risk factors sa pagkakaroon ng pulmonya ay ang paninigarilyo, may emphysema (isang sakit sa baga), at exposure sa polusyon sa hangin.

Nag-uumpisa ang pulmonya bilang trangkaso o ubo. At kung mahina ang katawan, puwedeng lumipat ang impek­syon sa baga at maging pulmonya.

Ang sintomas ng pulmonya ay lagnat, ubo, hirap sa pag­hinga at panghihina ng katawan. Ngunit hindi lahat ng tao ay magkakaroon ng sintomas.

Dahil dito, mas mabuti na magpa-Chest X-ray ang pa­syente. Ang Chest X-ray ang tiyakang magsasabi kung ika’y may pulmonya o wala.

Ipinasusuri rin ng doktor ang plema (sputum test) para matukoy ang mikrobyo ng pulmonya. Makikita sa blood test (CBC test) ang epekto ng impeksyon sa katawan.

May dalawang klase ng pulmonya. Ang isa ay naku­kuha sa komunidad, ang Community Acquired Pneumonia.

Ang isa naman ay galing sa ospital, ang Hospital Acquired Pneumonia. Mas seryoso ang mikrobyo na galing sa ospital.

Ang kumplikasyon ng pulmonya ay mas nakikita sa mga may edad, naninigarilyo at may dating sakit sa baga.

Posibleng lumipat ang mikrobyo mula sa baga at kumalat ito sa dugo. Sepsis ang tawag dito. Puwede ring mag­karoon ng nana (abscess) o tubig sa baga.

Paggamot sa pulmonya at kung paano ito maiiwasan:

1. Pag-inom ng antibiotics. Kapag hindi malala ang pul­monya, puwede pa ito makuha sa pag-inom ng antibiotics, tulad ng Co-Amoxiclav 375 mg tablets. Ngunit kung may edad na ang pasyente o matindi ang impeksyon na tumama, kailangang ipasok sa ospital ang pasyente para mabigyan ng antibiotic sa suwero.

2. Pag-inom ng gamot sa ubo at lagnat, tulad ng carbocisteine capsule at paracetamol tablets.

3. Magpahinga at huwag munang pumasok sa trabaho.

4. Uminom ng 8-10 basong tubig para lumabnaw ang plema at bumaba ang lagnat.

5. Magpatingin at sundin ang lahat ng payo ng doktor.

6. Magpabakuna laban sa pulmonya at trangkaso. Ang pneumonia vaccine ay binibigay bawat 5 taon, at ang flu vaccine ay binibigay kada taon. Ang mga taong edad 60 pataas ang kadalasang binibigyan nito.

7. Ugaliin lagi ang paghuhugas lagi ng mga kamay.

8. Idura ang plema sa tissue o lababo at hugasan ito.

9. Huwag gaanong makipag-usap sa ibang tao.

10. Itigil na ang bisyong paninigarilyo.

PULMONYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with