Learning site for agriculture...

Myriad Farms

Ngayon araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang isang napakagandang farm na learning site for agriculture.

Ang akin tinutukoy ay ang Myriad Farms na pag-aari ng magsasakang si Viola Fern Sebastian na makikita sa Purok 2, Barangay Trialla, Guimba, Nueva Ecija.

Ang ay accredited ng Department of Agriculture Agricultural Training Institute (DA-ATI) TESDA Farm Field School, Department of Tourism (DOT) Agri-Farm Tourism site at PhilGap Certified.

Isa ring Agri-Business Training and Assessment Center ang Myriad Farms.

Ayon kay Fern, ang kanilang mission ay “To provide high quality, nutritional, flavorful rice, vegetables, and other farm products for consumption in both near and remote regions of the Philippines. Additionally, the farm will provide high quality planting materials nationwide.”

Habang ang vision naman ng Myriad Farm ay “Is of a thri-ving, well-run farm that inspires interdisciplinary practice through the enterprise of ethical and sustainable food production to provide job opportunity, creativity and recreation.”

Nais ni Fern na maging masagana ang buhay ng bawat magsasaka sa bansa kaya ibinabahagi nila sa iba ang hiram na talento na bigay ng Panginoon.

May kabuuang 10 ektarya ang Myriad Farms.

Ang tatlong ektarya ay ang kanilang pasilidad, taniman ng gulay at prutas habang ang 7-ektarya ay taniman ng palay.

Gumagawa na rin ng masarap na vinegar, cookies, pancakes at marami pang iba sa Myriad Farms.

Paanyaya ni Fern at buong staff ng Myriad Farms, “Come grow with us.”

Sa Myriad Farms ay siguradong matuturuan ka, mag-e-enjoy ka pa.

Kaya ano pang hinihintay ninyo mga kasaka? Kung nais ninyong matuto ng makabagong pamamaraan ng pagtatanim ng palay, gulay, prutas at iba pang pagsasaka ay magpunta na sa Myriad Farms.

Mainit ang naging pagtanggap ni Fern at kanyang mga staff sa team ng Masagang Buhay.

Sa mga nagnanais bumisita, bumili at mag-training sa Myriad Farms ay mag-text lamang kayo sa kanilang cell number na 09173176968 or magpadala ng mensahe sa kanilang FB page at profile na Myriad Farms o kaya sa Viola Fern.

Sabihin lang po ninyo na nabasa ninyo sa kolum ng Magsasakang Reporter ang tungkol sa Myriad Farms.

Nitong nakaraang Linggo, January 19, 2025 ay itinampok ang interview at farm tour kay Fern sa kanilang Farm sa TV Show ng Magsasakang Reporter na Masaganang Buhay.

Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng mga halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maaari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.

Maaari rin kayong manood at mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Facebook page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.

Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group.

Nitong nakalipas na July 28, 2024 ay ginawaran ang Magsasakang Reporter bilang Asia’s Versatile and Promising Columnist on Agriculture of the year ng 9th Asia Pacific Luminares Award sa Heritage Hotel, Pasay City.

Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197.

STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.

Show comments