Nu’ng kampanya para Presidente nu’ng 2016 nagyabang si Rody Duterte na sasakay siya ng jet ski patungong Spratlys, itatayo ang bandila ng Pilipinas, at igigiit sa China na “amin ito”.
Sagot niya ‘yon sa angal ng mga mangingisda sa Luzon na humihina ang huli dahil sa panggugulo ng China Coast Guard.
Nu’ng July 2016 ibinasura ng the Hague Arbitration Court ang nine-dash line boundary ng China. Iginiit na para sa Pilipino lang ang 200-milya exclusive economic zone nito. Sinaway ang Beijing sa pang-aagaw ng mga bahura ng Pilipinas.
Bumaliktad si Duterte. Mula sa dating makabansa, naging maka-Beijing. Walang kuwenta raw ang hatol kaya hindi niya ito ipatutupad.
Hinayaan niya ang China mangisda sa West Philippine Sea. Walang limitasyon sa hangganan, panahon, at tonelada. Dinaig pa ang mga mangingisdang Pilipino na bawal manghuli kung November-February.
June 2018 sa Recto Bank sadyang binangga nang malaking bakal na Chinese maritime militia trawler ang naka-angkla na bangkang kahoy na pangisda ng Pilipino. Tumilapon sa dagat ang 26 mangingisda. Nagalit ang AFP dahil iniwan sa madilim at malamig na dagat ang mga Pilipino.
Palusot ni Duterte na aksidente lang ang lahat. Hindi isinuko ng Beijing ang nambundol. Hindi binayaran ng danyos ang mga biktima. Binawal pa ni Duterte ang joint patrol ng Pilipinas at America sa WPS.
May 2021 sinabi ni Duterte na biro lang ang pangako niya nu’ng 2016 tungkol sa jet ski, bandila at soberenya sa Spratlys. Ni hindi raw siya marunong lumangoy. Mga tanga lang daw ang naniwala sa kanya. Ibig sabihin bobo ang mga bumoto sa kanya nu’ng 2016.
Impluwensiyado, hawak sa ilong si Duterte ng Komunistang China.
***
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).