^

PSN Opinyon

Babae, nagulantang matapos paglaruan at kainin ng kanyang mga anak ang abo ng kanilang lolo!

MGA KWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon

Isang ina sa Colorado, U.S.A. ang nalagay sa nakakabiglang sitwasyon nang matuklasan niya na ang inakala niyang “­alikabok” na pinaglalaruan ng kanyang mga anak ay ang abo ng kanilang lolo.

Ang kuwentong ito, na isinapubliko sa isang viral TikTok video, ay nagdala ng halong tawanan at pagkagulat sa maraming netizens.

Ayon kay Monica Long, isang single mom sa tatlong anak na lalaki, iniwan niya ang dalawa niyang anak na edad 2 at 3 sa banyo habang nagha­handa siya para sa kaarawan ng kanyang bunso.

Sa loob ng apat na minuto, nagawa ng dalawa ang magkalat ng tila “pu­ting alikabok” sa kanilang katawan, sahig, at paligid. Dahil abala sa paglilinis, nilinis ito gamit ang vacuum.

Ilang araw ang nakalipas, natuklasan ni Monica na wala nang laman ang lalagyan ng abo ng kanyang yumaong amang si PawPaw. Dito niya napagtanto ang katotohanan: ang puting alikabok na pinaglaruan ng kanyang mga anak ay ang bahagi ng abo ng kanilang lolo.

“Naisip ko, ‘Oh Diyos ko, na-vacuum ko si PawPaw!” pagbabahagi ni Monica sa TikTok video na may mahigit 2.4 milyon na views. Dagdag pa niya, maaaring nakain pa ng mga bata ang abo.

Bagamat nakakapan­lumo, sinubukan ng pa­milya ni Monica na tingnan ito bilang isang nakakatawang pangyayari. Sinabi umano ng kanyang ina, si MawMaw, “Huwag kang mag-alala, marami pa tayong PawPaw.” Dagdag pa ni Monica, naniniwala siyang matatawa ang kanyang ama kung malalaman niya ang tungkol dito habang nasa langit.

Si PawPaw ay beterano ng Vietnam War at isang guro. Ang bahagi ng kanyang mga abo ay nakahimlay sa isang veterans’ cemetery sa Texas.

Sa kabila ng nakaka­biglang karanasan, ginawang magaan ni Monica ang sitwasyon sa pamamagitan ng pagbabahagi nito sa social media, kung saan ang karamihan sa mga komento ay tumatawa at nagbibigay ng suporta.

“Mahal ko ang mga anak ko, pero sa pagkakataong iyon, hindi ko alam kung iiyak ako o tatawa,” ani Monica. Dagdag niya, ang kuwentong ito ay tiyak na isa pang dahilan upang ang kanyang ama ay ngumiti mula sa langit.

COLORADO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with