Mahalaga ang consistency sa mabuting serbisyo ng mga elected official dahil kung hindi, isusuka sila ng taumbayan. Di nga ba napataob ni Mayor Vico Sotto ang 27 taong rehimen ni Bobby Eusebio?
Marami pang mga “maton” sa politics ang pinataob ng mga baguhan dahil pangit ang serbisyo. Sabi nga “a public office is a public trust.”
Maiboboto ka lang ng tao kung mapagkakatiwalaan ka. Kaso maraming spurious characters ang naiboboto dahil as power of money.
Pero tiwala ako na kapag nasagad na ang taumbayan sa masamang panunungkulan, kusa na silang hahanap ng mas matino at tapat sa layunin. Si Gus Tambunting na nagserbisyo ng tatlong dekada sa iba-ibang posisyon.
Ngayon ay Representante siya ng district 2. Pero lagabog siya sa November survey ng SWS. Ang inaayawan umano ng tao kay Tambunting ay namimili ng aabutan ng tulong.
Anang survey, ang pinapaboran ng tao na maging kinatawan ng second district ay ang party-list representative ng Bicol-Saro na si Brian Raymund Yamsuan.
Sa SWS survey lumalabas na 51 percent ang boto kay Yamsuan at 38 percent lang ang pabor kay Gus. Kitang kita raw ng tao ang sigasig ni Yamsuan na tulungan ang mga taga-distrito.
Si Tambunting ay naging vice mayor pa ng lungsod noong 2007 hanggang 2013. Naging congressman noong 2016 hanggang 2019. Sumandali siyang bumaba at ang asawang si Joy ang kumatawan sa 2nd District mula 2019-2022. Muling nagbalik si Gus nitong 2022.
Si Yamsuan naman ay hindi na baguhan sa public service dahil nanungkulan kay dating Senate President Edong Angara. Naging chief of staff din siya ni dating Sen. Tessie Aquino-Oreta. Dalawampu’t limang taon siyang naninirahan sa Barangay BF Homes, at kabisado niya ang mga problema at mga pagkukulang ng kinatawan doon.
Nang labanan ng isang bagito si Tambunting sa eleksiyon noong 2022, kaunti lang ang lamang at muntik na siyang matalo. Isang di kilalang Joseph Maganduga ang humamon sa kanya. Kung may pera at makinarya ito, malamang talo si Tambunting.
Ngayon pa lang ay may mga proyekto na si Yasmuan para sa mga taga district 2.
Anang isang kakilala ko, araw-araw ang paghahatid ng iba’t ibang programa ng gobyerno at sarili niyang proyekto para matulungan ang mga tao—AICS, Sustainable Livelihood Program, AKAP, TUPAD, BAON educational assistance, medical missions, food trucks, distribution ng school supplies, Extra Rice Program—lahat yan hinahatid ni Yamsuan sa district 2.
Kaalyado ni Yamsuan sa pagkandidato sina Benjo Bernabe bilang vice mayor, at sina Tess de Asis at Binky Favis bilang mga konsehal. Inuulit ko, huwag lang pakitang-tao ha? Kailangan ng tao ang mga lingkod-bayan na sinsero sa layuning magserbisyo.