Mga pagkain para sumarap ang tulog
1. Saging – Ang saging ay may tryptophan at carbohydrates na makatutulong sa paggawa ng serotonin. Ang serotonin ay nagpapa-relaks sa atin. Nababawasan din ang stress.
2. Kamote – Ang kamote ay may masustansyang complex carbohydrates.” Hindi ito gaano nagpapataas ng asukal sa dugo. Mayaman din ang kamote sa fiber, vitamins B6, C and E, folate at potassium.
3. Oatmeal at cereals – Sa gabi, puwede naman hindi mag-kanin paminsan-minsan. Subukan ang 1 bowl ng oatmeal o cereals sa hapunan. Ang oatmeal ay may vitamin B6 at melatonin na makatutulong sa pagtulog mo. Puwede mo lagyan ng saging at gatas na masustansya din.
4. Gatas – Ang gatas ay may tryptophan. Ang tryptophan ay nagiging serotonin sa katawan at ito ang nagpapasaya at nagpapa-relaks sa atin. Mas mabilis ka pang aantukin.
5. Chamomile Tea – Ang mainit na chamomile tea ay mabisang pampatulog. Mabuti ito sa tiyan, pinapa-relaks ang stomach muscles, at may amoy na nagpapakalma din.
- Latest