Confidential funds: binigay ni BBM, ginasta ni Sara

ULAT ni kolumnista Ramon Tulfo, kaibigan ni Rody Duterte: “Kung gusto ni Bongbong Marcos malaman ang pangga­galingan ng assassin na papatay sa kanya, tingnan niya ang Vice Presidential Security and Protection Group. Tinatag ni Sara Duterte ang VPSPG bilang isa sa mga pabor ni BBM sa kanya dahil sa pagkapanalo sanhi ng pag-tandem nila.

“’Di naman kailangan ni Sara ng napakaraming security­ dahil yung mga nauna sa kanya, sina Leni Robredo at Noli de Castro, ay kakaunti ang security contingent. Aanhin na­man kasi ni Sara ang 400-plus na security, ‘spare tire’ lang naman siya?

“Winaldas ni Sara ang confidential funds niya sa secu­rity­ para bilhin ang katapatan nila. Gan’un ang mga Duterte. Pina­palayaw ang mga bodyguards nila para sumunod sa utos nila maski mali.”

Nagsimula ang CFs ni Sara nung itatag ang VPSPG, June 2022. August 2022 humingi si Sara ng dagdag na P403.46-milyon budget para sa OVP, kasingit ang P250-milyong CF. Dec. 13, 2022 ibinigay ni BBM ang P221.4 milyon, kasama ang P125-milyong CF.

Screenshot ng BBM Facebook video

Ginasta ni Sara ang P125 milyon nung Dec. 21-31, 11 araw lang pati Pasko, Rizal Day, at Bisperas ng Bagong Taon.

Binigyan muli ni BBM si VP Sara ng P2.3 bilyon nung 2023, kabilang ang P500-milyong CF. Bukod pa ang P150-milyong CF ni Sara bilang noo’y-education secretary.

Paspasang gumawa ang OVP at DepEd ng mga resibo­ para sa CFs kesyo sina Mary Grace Piattos, Chippy McDonald, Fernando Tempura, Carlos Miguel Oishi, at Rey­munda Jane Nova ang tumanggap. Pati si Alice Cres­cencio na nag-issue ng tatlong resibo sa DepEd sa isang araw mula layu-layong Pasay, Iligan at Lanao. Pati sina Sally at Shiela, iisang pirma sa isang araw, sa Surigao at Digos, 400 kilometro ang layo.

Inamin ng OVP-DepEd special disbursing officers na ibinigay ang milyun-milyon kina VPSPG Cols. Raymund Lachica at Dennis Nolasco.

Show comments