^

PSN Opinyon

PCSO, nasa elite group na ng World Lottery Association!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

TINAWAG na banner year ng Philippine Charity Sweepstakes Office ang 2024 matapos gawaran ang ahensiya ng Level 2 certification for responsible gaming mula sa World Lottery Association.

Masayang ipiniresenta ni PCSO General Manager Mel Robles ang recognition na natanggap ng PCSO sa Palasyo nitong nakaraang linggo, sa harap ni PMS chief Senior Under­secretary Elaine Masukat.

Tinalakay nina Robles at BBM ang mga importanteng operational issues para lalong mapalago ang performance ng PCSO at iba pang serbisyo nito sa komunidad. Eh di wow! Nasa tamang landas lang itong PCSO sa liderato ni Robles. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Dahil sa certification ng World Lottery Association, naka­sali na ang PCSO sa elite group ng lottery operations sa buong mundo, bilang pagkilala sa kanilang “commitment to responsible gaming practices.”

Inisyu ang naturang certification matapos magsagawa ng independent assessment ang isang panel kung saan nirebisa ang gaming programs ng PCSO, kaakibat ng pag­kalap nito ng pondo para sa iba’t-ibang sectors tulad ng health at welfare ng mga Pinoy. Gets n’yo mga kosa?

“Achieving the WLA Level 2 Certification demonstrates our ongoing commitment to balancing revenue generation for charitable causes with the promotion of responsible­ gaming,” ani Robles. “It highlights PCSO’s dedication to safeguarding the interests of players, stakeholders, and the communities we serve,” dagdag pa ni Robles. Dipugaaa!

Sinabi pa ni Robles na kasama rin sa nirebisa ng inde­pendent panel ang mga alituntunin ng PCSO para siguraduhin na walang menor-de-edad na sangkot o tumataya sa gaming products ng ahensiya.

Tiningnan din ang mga programa ng PCSO para iwasan ang mga gaming-related risks at kung paano ini-educate ang mga Pinoy tungkol sa responsible gaming. Anong sey n’yo mga kosa? Sanamagan!

Maraming Pinoy ang gumanda ang buhay o naging milyonaryo bunga sa mga gaming products ng PCSO, lalo na sa lotto, di ba mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Dahil sa bagong category ng PCSO, ipinangako naman ni Robles na lalong pag-igihan ng ahensiya ang pagkalap pa ng karagdagang pondo nang sa gayon ay masuportahan nila ang kanilang programa sa kawanggawa, tulad ng disaster response. Siyempre, kasama na riyan ang mga livelihood programs na ang nakikinabang ay ang mga mahihirap na Pinoy. Mismooo!

“Looking ahead, the PCSO is dedicated to continuously enhancing its responsible gaming framework to achieve higher levels of WLA certification while fostering trust, transparency, and accountability among its stakeholders,” sabi pa ni Robles. Hehehe! Diska-diskarte lang ‘yan!

Mga kosa kong keyboard warriors, walang kokontra ha?

Abangan!

PCSO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->