Ngayon araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang isang napakagandang horticulture farm sa Bongabon, Nueva Ecija at tiyak na mare-relax kayo, mag-e-enjoy, matututo at maaari pa kayong mag-swimming kapag napuntahan ninyo.
Ang akin tinutukoy ay ang El Sueño Horticulture Farm na pag-aari ng mag-asawang Agriculturist na si Jayson at misis nitong guro na si Ma. Lourdes Leonardo ng Purok 7, Barangay Ariendo, Bongabon, Nueva Ecija.
Si Jayson ay dating empleyado ng gobyerno bilang municipal agriculturist ng Bongabon, Nueva Ecija pero maagang nagretiro para asikasuhin ang kanilang nabiling farm na halos tatlong ektarya.
“Noong mabili namin ito ay isang puno lang ang nakatanim, ngayon hindi mo na mabilang at lahat ay napapakinabangan,” ani Jayson.
Ani Jayson, para talaga sa pagreretiro nilang mag-asawa kaya sila bumili ng farm.
“Noong una ay libangan lang namin, pero ngayon ay negosyo na rin. This is a family farm that you and your family can swim, relax, enjoy and learn,” sabi pa ni Jayson.
Si Ma. Lourdes naman ay active pa sa pagtuturo at siyang tumutulong para i-market ang mga produce nilang mag-asawa sa kanilang farm.
“Marami sa aking mga estudyante ay nagpupunta sa aming farm para maglakbay-aral,” pahayag naman ni Lourdes.
Sa ngayon ay malaki-laki na ang green house garden ng mag-asawa at marami na rin ang kanilang ani na fresh lettuce at nagkaroon na rin ng regular na costumer na owner ng samgyupsal restaurant sa kanilang lugar.
Angat si Jayson sa ibang farm owner dahil ginagamit niya ang pagiging agriculturist para patuloy na i-develop ang kanilang farm.
Gumagawa na rin ng masarap na wine o alak at vinegar ang mag-asawa na kanilang mina-market sa mga kakilala, kaibigan at mga bumibisita sa El Sueño Farm.
Nag-conduct na rin ng mga seminar si Jayson para ibahagi sa iba ang technology na nais matuto ng pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman.
Sa ngayon ay tuloy-tuloy ang pagdami ng mga tumatangkilik ng bagong harvest na lettuce at iba pang produce na gulay at prutas sa El Sueño Farm.
Sa El Sueño Farm ay siguradong mag-e-enjoy kayo at mare-relax sa napakagandang tanim ng bundok ng Sierra Madre.
Kaya ano pang hinihintay n’yo, bumisita na po kayo sa napakagandang El Sueño Farm.
Mainit ang naging pagtanggap ng mag-asawang Leonardo sa team ng Masaganang Buhay.
Sa mga nagnanais bumisita maka-avail o bumili ng fresh lettuce, sibuyas, bell pepper, wine, suka at magpaturo ng pagtatanim sa mag-asawa ay i-text lamang po ninyo sila sa kanilang cell number na 09451666032.
Sabihin lang po ninyo na nabasa ninyo sa kolum ng Magsasakang Reporter tungkol sa El Sueño Farm.
Ngayong Linggo, January 17, 2025 ay mapapanood ninyo ang interview at farm tour kay Jayson sa kanilang Farm sa TV Show ng Magsasakang Reporter na Masaganang Buhay.
Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan, maaari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.
Maaari rin kayong manood at mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Facebook page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.
Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group.
Nitong nakalipas na July 28, 2024 ay ginawaran ang Magsasakang Reporter bilang Asia’s Versatile and Promising Columnist on Agriculture of the year ng 9th Asia Pacific Luminares Award sa Heritage Hotel, Pasay City.
Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197. STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.