^

PSN Opinyon

Ano ang mapupura ng Pinoy kay Trump?

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Malimit akong matanong: Ano raw sa palagay ko ang mapupura ng Pilipinas kay U.S. President Donald Trump?

Nag-aalala ang mga nagtatanong. Hindi nila maispeling si Trump. Paulit-ulit nito sinasabi na pag-upo pa lang niya sa ikalawang termino sa Jan. 20, ipahuhuli at ipatatapon niya lahat ng ilegal na migrante. Milyong Chikano at Asyano ang tatamaan, pati mga Pinoy.

Isa pang banta niya sa unang araw sa White House ay ititigil ang giyera sa Ukraine. Kasi raw, hindi niya ito tutulungan, kaya makokolonya na ng Russia.

Itataas daw niya sa 25 percent ang taripa sa mga angkat na produkto mula kapit-bansang Canada at Mexico. Da­dagdagan niya ng 10 percent taripa ang mga galing sa China.

Sisingilin daw niya ang mga bansang mayayaman na umaasa sa America para sa depensa. Isa na rito ang Taiwan, 90 kilometro lang mula Batanes, na balak lipulin ng Communist China sa 2027.

Wikipedia photo

Tinatasa ko ang unang termino ni Trump, 2016-2020.

Nu’ng panahong ‘yun binalaan ng kanyang Secre­taries of State at Defense ang China na tigilan na ang pag-agaw ng mga bahura sa South China Sea. Dalawampu’t limang bahura na noon ang inokupa ng China sa loob ng exclusive economic zones ng Pilipinas, Brunei, Malaysia at Vietnam. Ninanakaw pa ang isa sa Indonesia.

Mas matapang si Trump kaysa Barack Obama kontra China. Ang kaaway ng kaaway natin ay kaibigan natin.

Na-blacklist din noon ng Washington ang China Construction & Communication Corp. at 54 subsidiaries. CCCC ang state firm na nag-reclaim at nagkonkreto sa Subi, Kagitingan, at Panganiban Reefs natin. Binawalan ang CCCC at subsidiaries na mag-negosyo sa America.

Binawalan din ang CCCC directors, officers at mga pamilya na bumiyahe o mag-aral sa America. Kumbaga, dinagukan sila ni Trump.

DONALD TRUMP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with