^

PSN Opinyon

Panagutin ‘utak’ ng F2M Agri-Farm OPC scam

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

KINANSELA ng Securities and Exchange Commission­ (SEC) ang rehistro ng Farm to Market (F2M) Agri-Farm OPC dahil wala itong kaukulang lisensiya upang mangalap ng investments na ang ipinang-aakit ay ang malaking interes ng pera.

Ang F2M Agri-Farm OPC at mga sangay nitong F2M Tarlac City-Main Branch, F2M, F2M Paalaga System, Hog Raising Business, F2M Tuguegarao Branch, F2M Dagupan­, F2M La Union Branch, F2M Lagawe, Ifugao, F2M-Solano Nueva Viz. Branch and F2M Tayug ay nakapanloko sa pamamagitan ng F2M 3 Months Paalaga System.

Nakapanloko ang utak at mga galamay ng F2M Agri-Farm OPC sa sistemang pang-eeganyong bumili ng isang biik sa halagang P5,000 sa pangakong magiging P7,600 ito matapos ang tatlong buwan o tubong 30 percent.

Kung ang investor ay kukuha ng 20 biik sa P100,000, ipinangakong tatanggap ng P152,000 matapos ang tatlong buwan.

Ayon sa SEC, malinaw na isang Ponzi scheme ang sistema ng F2M Agri-Farm OPC. Katulad din ito ng mga nauna nang kahalintulad na mga iskema kung saan ang pay-outs ay manggagaling sa mga papasok na investments at hindi sa isang lehitimong negosyo.

Noong Abril 2024, nag-abiso sa publiko ang SEC at inisyuhan pa ito ng “cease-and-desist-order” noong Agosto­ ang F2M Agri-Farm OPC at mga sangay nito upang tumigil­ sa paglikom ng investments.

Malinaw sa batas na gumagabay sa mga inirerehistrong­ korporasyon sa bansa na bawal ang paglikom ng investments ng walang kinuukulang lisensiya mula sa SEC.

Bukod sa kautusang magbayad ang F2M Agri-Farm OPC ng administrative fine na P1 million, pati ang mga incorporators and nominee nito,  dapat panagutin din ang utak at mga galamay nito sa kanilang panlilinlang sa mga “investor” upang hindi na pamarisan.

Hangga’t hindi naparurusahan ang utak at galamay ng F2M Agri-Farm OPC at iba pang katulad nila, hindi matitigil ang panloloko o pang-i-scam sa mga kawawang mamamayan. Dapat mabulok sa kulungan ang scammers!

* * *

Para sa reaksiyon o komento, i-email /sa: [email protected]

SCAM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with