Hindi epektibong diborsiyo (Last part)
Noong huling punta ni Gino sa U.S., pinag-usapan nila ang pagsampa ni Gino ng petisyon upang kumuha ng diborsyo sa korte ng California. Dahil dito iginawad ng Korte ang diborsiyo. Ibinigay din ang pangangalaga at pagkupkop ng kanilang anak pati na lahat ng kanilang ari-arian sa U.S..
Dito sa Pilipinas, nagpetisyon din sa RTC ng petisyon para hatiin na ang kanilang mga ari-arian dito batay sa sinumpaang salaysay na pinirmahan nila at hiniling ang:
(1) Kapangyarihang pamahalaan ang mga ari-arian nila dito; (2) Pinatitigil si Gino at ang kinakasama niya na ipagbili ang kanilang ari-arian dito; (3) Pinaalis ang kapangyarihan at karapatan nito sa mga ari-arian dito; (4) Inutusan si Gino na padala ang lahat ng ari-arian nila sa kanilang mga anak at ibigay sa kanya ang kalahati ng pagbebentahan ng bahay at lupa nila dito; (5) Bayaran lahat ng gastos sa kaso.
Kinilala ng RTC ang diborsyong ginawad sa California dahil parehong Amerikano na sina Gino at Lina. Tinuring din nito ang petisyon ni Lina na isang paghahati sa kanilang ari-ariang conjugal at ibigay sa mga anak ang mga ito upang suportahan ang mga ito. Sabi rin ng RTC na ang paghati ng kanilang ari-ariang mag-asawa dito at pagbigay ni Gino nito ay walang bisa ayon sa Family Code.
Kaya iginawad ang mga ari-arian dito kay Gino lang at ang mga ari-arian sa Amerika ay kay Lina lang ayon sa diborsyong ginawad maliban sa kalahati nito ng dapat sa mga bata; tungkol sa hatian ng kinita sa pagbenta ng bahay at lupa sa Maynila at ibibigay kay Gino sa halagang P5,000 at sa mga anak ang P405,000.
Ito ay binago ng CA at sinabing dapat hatiin sa kalahati ng ari-arian sa Pilipinas sa bawat isa at ibigay sa mga anak ang P520,000 na kanilang ari-arian sa Maynila. Sabi ni Gino, dapat daw kinilala ang desisyon sa California na ibinigay sa kanya.
Kinuwestiyon ni Gino ang desisyon ng CA. Sinabi niya na dapat kinilala dito ang desisyon sa California na ibinigay sa kanya ang kanilang ari-arian sa Pilipinas. Sabi nga na pagbinigay kay Lina ang isang di makatarungan pagpapasiya sakanya. Tama ba si Gino?
Mali. Ang diborsiyong ginawad sa U.S. ay di legal sa Plipinas kaya tama ang paghahating judicial ng mga ari-arian ay dapat igawad at kalahati lang ang kay Gino at Lina kasama na ang presyo ng bahay at lupa sa Maynila.
Tungkol sa mga mamanahin ng mga anak, dapat ibigay sa kanila ang mapupunta sa bawat mag-asawa. Ngunit ang paghahati ng mga ari-arian sa California ay hindi dapat kilalanin dito (Noveras vs. Noveras G.R 188289 August 20, 2014).
- Latest