^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Naglaho na si Garma?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL — Naglaho na si Garma?

MALAKING katanungan ngayon kung nasaan na si dating police colonel at PCSO general manager Royina Garma na ilang linggo ring inimbestigahan ng House quad committee noong Oktubre 2024 kaugnay sa extra-judicial killings (EJKs) na naganap sa adminis­tration ni dating President Rodrigo Duterte. Marami siyang isinalaysay kabilang ang malaking halaga ng reward sa mga pulis na makakapatay ng drug pushers.

Ang pinakamalaking “bomba” na pinasabog kay Garma ay nang idawit siya sa pagpatay sa isang PCSO executive. Isang police officer ang nagsabing “utak” siya sa pagpatay. Pinabulaanan niya ang paratang. Na-contempt siya dahil sa pagsisinungaling at ikinulong sa House of Representatives.

Pinalaya siya noong Nobyembre. At sumunod doon, nabalitang nagtungo siya sa United States noong Nob­yembre 8, 2024. Pinigil umano ng U.S authorities sa San Francisco Airport. Mula noon, wala nang narinig kay Garma.

Sabi ng Department of Justice (DOJ), pababalikin sa bansa si Garma. Pero hanggang ngayon, wala nang balita kay Garma na isinasangkot sa pagpatay kay PCSO board secretary Wesley Barayuga. Maski ang quad committee na nag-imbestiga ay walang maibigay na balita kung nasaan si Garma. Ibig bang sabihin, na­walan ng saysay ang pag-iimbestiga nila kay Garma?

Si Garma ay itinuro ni police Lt. Col Santie Mendoza­ na “utak” sa pagpatay kay Barayuga. Bukod kay Garma, isinasangkot din si dating police colonel at Napol­com director Edilberto Leonardo. Sa testimonya ni Mendoza­, inutusan umano siya ni Leonardo na patayin si Barayuga sa utos ni Garma. Ipinapapatay umano si Barayuga dahil sangkot ito sa illegal drugs. Hindi umano matanggihan ni Mendoza si Leonardo dahil upper classmen niya ito sa Philippine National Police Aca­demy. Binigyan umano siya ni Leonardo ng P300,000.

Ipinasa umano niya ang lahat ng impormasyon sa asset na si Nelson Mariano at ito naman ang komontak sa gunman na si “Loloy”. Isinagawa ang pag-ambush kay Barayuga noong Hulyo 30, 2020. Mariin na­mang pinabulaanan nina Leonardo at Garma ang akusasyon ni Mendoza. Bukod sa pagpatay kay Bara­yuga, ina­akusahan din sina Garma at Leonardo sa pagpatay sa tatlong Chinese drug lords na nakakulong sa Davao Penal Colony.

Nasaan na si Garma? May ginagawa ba ang PNP para masampahan ng kaso ang dating police colonel? Kung nasampahan ng kaso si Garma, hindi sana siya nakaalis ng bansa at umuusad na ang kasong ina­akusa sa kanya. Sa nangyari, maaring mawala ang pagnanais ng kaanak ni Barayuga na makamtan ang hustisya.

PCSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with