Plastik na Laosera!

SERBISYO publiko ang ipinangalandakan ng isang tuma­takbong gobernadora, na tatagawin ko sa alyas na Laosera, sa lalawigan ng Laguna subalit iba pala ang pakay niya. Kaya naman nabuking ang layunin ni Laosera sa pagtakbo niya sa darating na 2025 midterm election bunga sa kausap niya, na sa tingin n’ya ay kakampi n’ya.

Inamin kasi ni Laosera sa kausap niya, na kaya lang naman siya agresibo at gustung-gusto talagang manalo sa darating na halalan ay dahil ito na ang kanyang huling baraha. Para makamtan ang ambisyon niya, dadaanin ni Laosera sa pangako ang mga botante sa Laguna. Araguyyyyy!

Ipinaliwanag ng mga kosa ko na hindi makakatanggi si Laosera sa balakin niya dahil nai-record ng palihim ng ka­­usap niya, na kakampi n’ya kuno, ang kanilang usapan. Sana­ma­gan, buking!

Inamin naman ni Laosera sa kausap na kapag natalo pa siya sa darating na halalan, wala na siyang babalikang karera at trabaho kaya naman gagawin niya ang lahat, kahit ibenta pa ang kaluluwa niya para lang manalo. Ano ba ‘yan?

Wala na rin umanong mga magtitiwala sa kanya na mga big-time funder sa mga kasunod pang eleksyon dahil kapag natalo pa siya ulit ay tiyak na mawawala na ang lahat ng kanyang mga backer.

Iyong ilan kasi sa mga backer ni Laosera, ayon sa mga kosa ko, ay kilalang mga financier sa ilang mga iligal na ga­wain. At kaya naman tumutulong sa kanya ay kapag na­nalo sila na ang makakopo ng lahat ng mga illegal activities sa na­sabing lalawigan.

Sa kasalukuyan kasi ay walang magawa ang mga iligalis­tang ito dahil kilalang matino at hindi nakikipag-usap sa mga iligal na grupo si incumbent Gov. Ramil Hernandez. Dipugaaa! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Kaya naman naglalaway talaga si Laosera at gustung-gusto niyang siya ang pumalit kay Hernandez. Dahil sa sandaling makapuwesto siya ay tiyak tiba-tiba siya sa mga “tara” at “parating” na ibibigay ng mga kaibigan niyang mga katropa ni Taning! Ngeekkkkk!

Kaya naman pala ganoon na lang ang paninirang ginagawa ni Laosera sa mga kalaban niya na kahit walang katototohanan ang mga ibinibintang niya, ay todo tulak dahil desperado talagang manalo.

Kung sabagay, kilala rin siya sa pagbibigay ng pangako sa mga gagawin niya kapag nanalo siya, lalo na sa mga government hospital diyan sa lalawigan. Ambot sa kanding nga may bangs!

Sa ngayon, nangangako na naman si Laosera. Ang ibinabando niya sa lalawigan ay kapag nanalo siya, palalakasin niya ang public health care system. Samantalang sa totoo lang noong nakaupo siya, wala namang ginawa at wala sa isipan niya ang mga maysakit na taga-Laguna. Dipugaaa!

Ang accomplishment lang niya ay ang magpatayo ng magarang bahay. Ano ba ‘yan? Tapos ngayon, sasabihin niya na kesyo aakayin daw niya ang mga mamamayan, eh halata namang ginagamit lang niya ang pulitika para magpasasa at magpayaman. Tsk tsk tsk!

Kunwari lang bait-baitan itong si Laosera sa taga-Laguna ‘yan pala plastik s’ya. Eh di wow! Abangan!

Show comments