^

PSN Opinyon

Basura sa Maynila

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MUKHANG hindi magandang pasalubong sa kandidatura­ ni Manila Mayor Honey Lacuna ang ga-bundok na basura na hindi nakokolekta.

Nangangamoy sa halos lahat ng sulok ng Maynila sa tambak ng basura. May kinalaman kaya rito ang kanyang kalaban sa pulitika na si dating Manila mayor Isko Moreno?

Bakit itinaon ng Pasko at Bagong Taon ang pagpalya sa pagkolekta ng basura sa Maynila. Nagresulta ito ng ma­bahong kapaligiran at nakakasukang tanawin.

Bakit kaya hindi idemanda ni Lacuna ang kontraktor ng basura sa hindi paghakot nito sa lungsod.

Magsasawalang kibo si Lacuna, maliwanag pa sa sikat­ ng araw na may kapalpakan ito sa pagpapalakad sa Maynila.

Pero nagpahayag naman si Lacuna sa mga interbyu sa kanya aaksyunan ang pumalpak na kontraktor ng basura. Hahakutin na umano ito ng bagong kontratista ang lahat ng tambak ng basura sa lungsod.

Puna ko lang, tila inuuna niyang isulong ang kanyang kan­didatura kaysa kapakanan ng mga Manilenyos. Lumalabas na naghahabol sa mga botante si Lacuna matapos magpalabas ng mga sekretong political campaign si Yorme.

Ngayong 2025, napakaraming malalaking event ang ma­gaganap sa Maynila. Una na ang pista ng Jesus Naza­reno­ sa Huwebes. Mula sa pahalik diyan sa Quirino Grand­stand ay ililibot ito sa dating dinaraanan ng Traslacion na kadalasan ay nagtatapos ng madaling araw.

Sabi ni Manila Police District (MPD) director B/Gen. Thomas Ibay, lalahukan ang Traslacion ng 10 milyong tao. Ayon kay Ibay, sinuyod na nila ang mga kalyeng daraanan ng Nazareno upang masigurong walang abala sa Traslacion. Pinag-aalis na umano nila ang sidewalk vendors at iba pang sagabal.

Pagkatapos ng pista ng Quiapo, ang dadayuhin naman ng mga namamanata ay ang Sto Niño Shrine sa Tondo. Karaniwan nang kinakikitaan dito ng mga pulitiko na suma­sabay sa pagsasayaw sa kalye.

Ewan ko kung magsasayaw din dito sina Mayor Honey Lacuna at kalabang Isko.

May Santo Nino fiesta rin sa Pandacan, Manila na dinadagsa rin ng mga deboto. Tiyak may mga pulitiko rin sa kaganapan dito.

Pagkatapos ng pistahan, magsisimula na ang kampanya ng mga pulitiko  hanggang sa araw na ng eleksiyon sa Mayo.

Balik uli ako sa umaalingasaw na basura sa Maynila. Paalala ko kay Mayor Lacuna na sana makolekta na ang mga ito upang hindi mangamoy at makaapekto sa midterm election.

BASURA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with