Carpal tunnel syndrome

CARPAL tunnel syndrome ang tawag kapag ang ugat ay nabarahan o namaga, naiipit at nakaaapekto sa pakiram­dam at paggalaw ng kamay. Kailangan itong gamutin upang huwag masira ang nerve at muscle.

Ang mga factors sa pagkakaroon ng carpal tunnel syn­drome ay ang mga mabibigat na trabaho dahil sa pressure sa palad, paulit-ulit na pagbubuhat ng mabibigat at matin­ding pagkilos ng kamay.

Sintomas ng carpal tunnel syndrome ang mga sumusunod:

Tingling o pamamanhid ng hinlalaki, hintuturo, gitnang daliri at palasingsingan. Ang ganitong pakiramdam ay nara­ranasan sa gabi at paggising. Gayundin habang nagma­maneho, may hawak na telepono o diyaryo.

Sintomas din ang pakiramdam na parang nanghihina ang mga kamay kaya may pagkakataon na nabibitawan ang hawak.

Tips sa carpal tunnel syndrome:

1. Ipahinga ang kamay – Sa bawat oras ng trabaho, mag­pahinga ng kahit limang minuto, dahan-dahang i-stretch ang palad at kamay.

2. Baguhin ang iyong mga gawain – Mas mabuti kung baguhin o ibahin ang mga gawain kung ito ay posible.

3. Ideretso ang kamay – Iwasang baluktutin ang palad ng pataas o pababa. I-relax o wag masyadong higpitan ang paghawak. Iwasan humawak ng mahigpit habang nagma­maneho, nagbibisikleta at nagsusulat.

4. Lagyan ng hot compress ang kamay – Puwede ring­ magsuot ng gloves para mapanitiling mainit ang kamay at palad.

5. Gumamit ng wrist splint sa gabi para deretso ang porma ng kamay – Ang wrist splint ay nakatutulong mabawasan ang sakit o pamamanhid ng palad at kamay. Ang splint ay dapat na hindi sobrang sikip. Ayaw natin naka-baluktot ang kamay dahil naiipit ang nerve.

6. Kung ang sintomas ay lumalala, magpatingin sa doktor – Ang splints, therapy o injection ay puwedeng irekomenda ng doktor. Kung nawawalan na ng lakas ang kamay, puwede itong operahan kung kinakailangan.

Show comments