^

PSN Opinyon

Tamang diet para makaiwas sa diabetes

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Alam n’yo ba na ang diabetes ay napakasama at nakama­matay? Kaya kung kayo ay may diabetes, piliting makontrol ito. Magagawa ito sa pamamagitan ng wastong pagkain.

Narito ang tips na dapat tandaan:

1. Walang “mild” sa diabetes – Kung ikaw ay may diabetes­, ibig sabihin ay 50% ng mga selula sa pancreas (beta cells na gumagawa ng insulin) ay posibleng nasira na. Dahil dito, tumataas ang iyong asukal sa dugo ng lampas sa normal na 105 mg/dl.

2. Umiwas sa matatamis at matataba – Ayon kay Dr. Augusto Litonjua, tinaguriang Ama ng Diabetes Medicine sa Pilipinas, hindi naman lahat ng pagkain ay pinagbabawal sa diabetes. Bawasan lang ang matatamis at makolesterol na pagkain.

3. Tumanggi sa ice tea, softdrinks at cappuccino. Mag-tubig na lang – Alam n’yo ba na ang pag-inom ng isang basong ice tea bawat araw ay nakapagdaragdag sa inyong tim­bang ng isang libra bawat linggo? Ang isang basong softdrinks naman ay may pitong kutsaritang asukal. Grabe ang tamis! Kaibigan, tubig lang talaga ang tunay na zero calories.

4. Mansanas at peras ang pang-diyeta na prutas – Akala nang marami ay “all you can eat” ang mga prutas. Mali! Ma­tamis at nakatataba ang mga prutas tulad ng mangga, pineapple, ubas, abokado at lychees. Hinay-hinay lang. Kung gusto ng mangga, isang pisngi lang ay sapat na sa isang kainan. Pagdating sa ubas, anim na piraso lang ang limit mo. Ang mga prutas na puwedeng kainin ay mansanas, peras at saging. Ngunit, huwag ubusin ang isang piling na saging!

5. Puwede ang isang tasang rice at isang ulam – May mga pasyenteng hindi na kumakain ng kanin. Hindi po ito maganda. Sa katagalan, hihina kayo at mawawalan ng sigla. Kailangan din ng katawan ang carbohydrates para sa balanseng diyeta. Ang solusyon ay ang paglimita sa dami ng pagkain. Isang platitong ulam o gulay, na may one cup rice ay okey na para sa pagkontrol ng diabetes.

DIABETES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with