^

PSN Opinyon

Mga payo para maging malusog sa Bagong Taon

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

1. Kumain ng mga gulay at prutas – Ang mga gulay at prutas ay puno ng fiber, bitamina, mineral at maraming antioxidant. Ayon sa eksperto, ang mga taong kumakain ng karamihan sa mga gulay at prutas ay nabubuhay nang mas mahaba. Mababawasan din ang sakit sa puso, type 2 diabetes, labis na katabaan at iba pang mga sakit.

2. Iwasan ang junk food at processed foods – Kumain ng sariwang pagkain. Ang processed foods ay karaniwang mababa sa fiber, protina at micronutrients at mataas sa asukal. Kaya, halos wala itong sustansya.

3. Uminom ng sapat na rami ng tubig, lalo na bago kumain – Ayon sa pag-aaral, ang pag-inom ng 2 tasang tubig (500 ml) kada 30 minuto bago kumain ay nakababawas ng timbang.

4. Kumain ng sapat na protina – Ang protina ay maa­aring magpalakas ng metabolismo. Maaari nitong maba­wasan ang cravings o pagnanais na mag-snack muli sa gabi. Ngunit ang pagkain ng sunog na karne ay maaaring magpataas ng panganib ng kanser.

5. Kumain ng isda tulad ng tamban, dilis, sardinas, bangus­, tuna at salmon – Ito ay mapagkukunan ng mataas na kalidad na protina. May healthy fat na omega-3 fatty acids at iba pang mga nutrients. Ayon sa pag-aaral, ang mga taong kumakain ng isda ay may mas mababang panganib kabilang ang sakit sa puso, dementia at depression.

6. Limitahan ang pag-inom ng matatamis – Ang mata­tamis na inumin ay posibleng magresulta ng pagiging mataba, pagkakaroon ng type 2 diabetes at sakit sa puso. Kahit ang mga fruit juices sa bote ay hindi gaanong healthy dahil naglalaman nang maraming asukal.

7. Masustansya ang mani – Ang mani ay puno ng mag­nesium, vitamin E, fiber at iba pang nutrients na maaari makatulong sa pagbawas ng timbang at panlaban sa sakit. May ilang katibayan din na maaaring magpalakas ng meta­bolismo. Piliin ang mani na walang mantika at konti lang ang asin. Hanggang 1 ounce o isang dakot lang ang kainin.

8. Alagaan ang tiyan sa pamamagitan ng pagkain ng ma­taas sa fiber at mga probiotics – Ang bacteria sa tiyan ay nauugnay sa mga malulubhang sakit. Para mapabuti ang tiyan, kumain ng mga probiotic na pagkain tulad ng yogurt at sauerkraut, at pag-inom ng probiotic supplement. Ang mga gulay at mataas sa fiber na mabuti sa tiyan.

9. Limitahan ang mga pagkaing ng mga mamantika at refined carbs tulad ng kanin at tinapay. Posibleng maging sanhi ito ng diabetes.

10. Kumain nang maraming herbs at spices – Ang luya, bawang, sibuyas at turmeric ay maraming benepisyo sa katawan.

11. Regular na mag-ehersisyo – Ang ehersisyo ay makatutulong para sa iyong mental at pisikal na kalusugan. Ito ay epektibo sa pagbawas ng taba sa tiyan o belly fat.

12. Matulog nang sapat – Matulog ng pito hanggang walong oras. Kung matutulog, iwasan ang maliliwanag na ilaw. Maaari nitong mapigilan ang paggawa ng sleep hormone o melatonin. Ang kulang sa tulog ay maaaring magdulot ng panganib sa diabetes at hormonal imbalance.

13. Huwag manigarilyo at magdroga.

14. Alagaan ang relasyon sa buhay – Ang pamilya at kaibigan ay napakahalaga hindi lamang para sa iyong kaisipan kundi sa iyo ring pisikal na kalusugan. Ang mga taong may malapit na kaibigan at pamilya ay mas malusog at mas mahaba ang buhay kaysa sa mga wala nito.

15. Umiwas sa mga nauusong pagdidiyeta – Huwag basta maniniwala sa mga nauusong diyeta. Ayon sa pag-aaral, ang mga nag-diet ay panandalian lang ang epekto ay lalo lang bumibigat ang timbang tapos mag-diet. Sa halip na mag-diet, subukan ang mag-healthy lifestyle. Ibig sabihin, maging healthy sa kinakain, sa pag-ehersisyo, sapat na tulog at tamang pag-iisip sa araw-araw.

BAGONG TAON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with